Panata sa paggawa ng palaspas, pag-asang ‘jackpot’ ni Nanay Ledy | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Panata sa paggawa ng palaspas, pag-asang ‘jackpot’ ni Nanay Ledy

Panata sa paggawa ng palaspas, pag-asang ‘jackpot’ ni Nanay Ledy

ABS-CBN News

Clipboard

Panata sa paggawa ng palaspas, pag-asang ‘jackpot’ ni Nanay Ledy
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Kinaugalian na ng mga taga-Cavinti, Laguna ang paggawa ng palaspas na ginagamit para sa Linggo ng Palaspas, na siyang hudyat ng pagsisimula ng Mahal na Araw.  

Si Nanay Ledy Peras, 57, ay talagang abala sa paggawa ng palaspas.

Ilang araw bago ang Palm Sunday, nakagisnan na ng mga residente ang paglala ng palaspas—tinuturing nila itong panata, bukod sa nakapagbibigay ito ng dagdag na panggastos lalo na sa panahon ng Mahal na Araw.

“Minsan lang sa isang taon, sinasamantala po namin ang pagkakataon upang kami ay may ipanggastos sa Mahal na Araw, para ang mga anak ko ay may gastusin din,” ani Nanay Ledy.

Galing sa palapa ng niyog, pinipitas ito mula sa puno at iniipon. Kapag handa na ang mga materyales, inihahatid ang mga ito sa mga kapitbahay upang gawin nang palaspas.

“Kami po ay nagsisimulang gumawa ng palaspas tuwing Lunes, at pagkatapos nito, umaalis po kami ng Biyernes. Ibinebenta na ito ng Sabado at Linggo.”

“Noon po, Miyerkules pa lang ay umaalis na kami—Miyerkules o kaya Martes. Dala na po namin lahat, pati ang lutuan na de-uling. Ngayon po, maganda na at dito na ginagawa, kaya Biyernes na lang kami umaalis.”

Mas madali nga naman, dahil may kumukuha na lang ng kanilang mga ginawang palaspas. Para kay Nanay Ledy, hindi na gaanong nahihirapan ang pamilya sa pagbebenta. Hindi na rin siya sumasama dahil may edad na rin siya at ang kanyang asawa.

Inalala rin niya ang karanasan noong siya’y bata pa, at tila sila’y “nakajackpot” sa pagbebenta ng palaspas kapag may nakauwing isang baldeng biskwit.

“Ang pinakamalaki po naming kinita ay ₱12,000. ‘Pag yung nagpaupang gumawa ay bastón-bastón lang, tatlong piso lang. Kapag may ‘puso,’ limang piso. Minsan po, nakaka-pakyaw kami—lahat sa amin galing—kinukuha po sa amin ng ₱12 ang isa.”

Layunin niya ngayon na mapagtapos sa kolehiyo ang kanyang panganay na anak na kasalukuyang nasa unang taon ng kolehiyo. Gaya niya, na nagsimulang magpalaspas sa edad na labindalawa, tumutulong din ang kanyang mga anak upang makaipon ng pambaon sa eskwela.

Umaasa siyang sa mga gagawin nilang palaspas ay makatutulong ito upang madagdagan ang kanilang perang panggastos na mailalaan sa pag-aaral ng kanilang anak.

“Ang wish ko po sa mga anak ko ay makatapos ng pag-aaral at malayo sa sakuna, malayo sa aksidente,” wika ni Nanay Ledy. “’Yun lang po ang maano ko sa mga anak ko—ang makatapos sila.”

Kasama sa paggawa ng palaspas, para kay Nanay Ledy, ang pagkakaroon ng malusog at maayos na pamilya ay isa nang “jackpot.”

(Production:  Jonathan Cellona, Gigie Cruz, ABS-CBN News)

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.