Estudyante patay sa rambol sa Mountain Province | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Estudyante patay sa rambol sa Mountain Province

ABS-CBN News
Published Apr 11, 2025 01:20 PM PHT

MAYNILA — Kumakalat sa. social media ang mga video ng panibagong kaso ng bugbugan ng mga kabataan sa Bontoc, Mt. Province.

Kita sa CCTV ang rambol ng mga kabataan sa labas ng isang restobar sa madaling-araw ng April 6.

Nagsigawan, nagtulakan, at nagsuntukan ang 8 hanggang 10 kabataan.

Ayon sa report ng pulisya, nag-iinuman ang grupo ng biktima nang isa sa mga suspek ang humingi ng P10 pero hindi nila pinagbigyan kaya nagalit ang kabilang grupo at nauwi sa rambol.

Isa sa mga kasama sa rambol ang 21-anyos na estudyanteng naisugod pa sa ospital, pero binawian ng buhay noong April 8 dahil sa traumatic brain injuries.

Nananawagan ng hustisya ang mga kaanak ng biktima.

Natukoy naman ng pulisya ang mga sangkot na kabataan sa insidente.

Nakipagdayalogo rin si Bontoc Mayor Jerome Tudlong, Jr. sa pulisya at nanawagan sa publiko na makipagtulungan para sa mabilis na imbestigasyon sa kaso.

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima pero sinabing haharap sila sa panayam kapag handa na sila.

—Ulat ni April Rafales
IBA PANG ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT