Baby hiker, limang bundok na ang naakyat | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Baby hiker, limang bundok na ang naakyat

Bayan Mo,
Ipatrol Mo
Published Apr 11, 2025 12:13 PM PHT
|
Updated Apr 15, 2025 08:19 PM PHT

@lindsyliciouz His laughter is like music to my ears 🫶🏻 #tiktokbaby #mountaineer ♬ original sound - Lindsy

Matikas ang tindig ng 2-taong-gulang na si Seth Tyler Pana habang nasa summit ng Mt. Pulag kasama ang kanyang mga magulang. Ito na ang panglimang bundok na naakyat ng trending baby hiker na umani na ang video ng 500,000 views sa TikTok.

Sampung buwan pa lamang si Seth nang simulan ng kanilang pamilya ang kanilang hiking journey, kwento ng nanay niya na si Bayan Patroller Lindsy Pana.

Ang unang sabak ni Seth sa hiking ay noong Mayo 20, 2023 nang isama siya ng kanyang mga magulang sa Mt. Batolusong, Tanay, Rizal, ayon kay Bayan Patroller Lindsy.

Dahil napagtagumpayan nila ang unang hike bilang pamilya ay nasundan pa ito ng pag-akyat sa Mt. 360, Mt. Bangkaan, at Mt. Mataripis.

ADVERTISEMENT
Ang huling hike nila ay ang trending videos ni Seth sa Mt. Pulag noong Pebrero 2024, dagdag ni patroller.

Ayon kay Bayan Patroller Lindsy, siya ang unang nahilig sa hiking mula noong 2017 at masaya siya na kasama na niya ang kanyang mag-ama sa gawaing ito ngayon.

“Kami po bilang mag-asawa napalapit po kami sa nature, mas pinapahalagahan po namin yung nature lalo yung mga puno…gusto po namin na paglaki niya makikita niya yung ginagawa namin kagaya ng pag-protect sa puno, pagpupulot ng basura,” ani Bayan Patroller Lindsy nang tanungin kung bakit sinasama nilang mag-asawa si Seth sa hiking.

— Ulat ni Shane Gamboa, Bayan Mo, Ipatrol Mo Intern
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT