2 miyembro ng 'Spiderman gang' huling nagnanakaw ng electrical wire | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 miyembro ng 'Spiderman gang' huling nagnanakaw ng electrical wire

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Huli sa video ang tangkang pagnanakaw ng dalawang lalaki sa electrical wire sa isang bahay sa Antipolo, Rizal noong Miyerkules ng umaga, ika-9 ng Abril, 2025.
Ayon sa kumuha ng video na isang concerned citizen, nagkakape siya habang nakatanaw sa kapitbahay nang makita ang isang lalaki na mala-gagamba na umaakyat sa bakod. Unang inakala niya na manggagawa ang lalaki na nagkukumpuni ng wirings. May kasama pa siyang isang lalaki na naghihintay sa ibaba na tila lookout.
"Nag-worry ako kasi hindi naka-uniform. Usually mga taong 'yan naka-uniporme eh. Something fishy, mukhang magnanakaw ito. True enough 'yun na nga magnanakaw. Mala-spider pero mukhang sanay na sanay. Kabisado nila 'yung ganung klaseng kalakaran.," sabi ni Vincent Villaseñor.
Nakunan din ng CCTV ang pagtakas ng dalawa matapos masita ni Villaseñor.
Agad na ipina-blotter ng may-ari ng bahay ang insidente sa barangay. Hindi pala ito ang unang beses na nasangkot sa pagnanakaw ng wire ang dalawa.
"Hindi lang po isang beses, dalawang beses, na-timingan. Kaya sinabihan kami ng chairman namin na bantayan mabuti at balik-balikan 'yung area. Alam namin babalikan kasi pinutol na po nila," Rolando Antonio, Desk Officer ng Barangay Mayamot.
Nitong Huwebes ng madaling araw, nahuli ng barangay task force ang 14-anyos na lalaki na nagsilbing lookout.
"Nai-ano na ng kapitan namin na hanapin na 'yung tao na dalawa na nag-viral. Kaya pagpasok namin, hindi na namin tinigilan, inikutan namin. May nakapag-timbre sa amin kaya nakuha agad namin," ani Carlo Nebasa ng Barangay Mayamot Task Force.
Ayon pa sa barangay, miyembro ang dalawa ng 'Spiderman gang'.
"Ito po 'yung mga nagnanakaw ng mga wire rito. Mga 'spider' kung tawagin sila kasi sila 'yung mga naka-lambitin sa wire. 'Yun ang kinukuha nila tapos binabalatan nila. Pinapatimbang siguro at ibinebenta. 'Spiderman gang' kung tawagin sila," dagdag ni Nebasa.
Dinala na ng barangay sa pulisya ang nahuling menor de edad. Isasailalim siya sa medical examination at documentation bago iturnover sa DSWD. Pinaghahanap naman ang 21-anyos na kasama niya.