TV PATROL: Basketball player sinapak ang referee sa CamSur

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TV PATROL: Basketball player sinapak ang referee sa CamSur
ABS-CBN News
Published Apr 01, 2025 07:31 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sinapak ng isang basketball player ang referee sa gitna ng championship game sa liga ng Nabua National High School sa Camarines Sur noong Miyerkules. Hindi umano tinawagan ng foul ng referee ang manlalaro ng kabilang koponan. Sinugod ng nagrereklamong player ang referee, dinuro at sinapak. Maya-maya, sinuntok din ng isa pang kagrupo ng nagreklamong player ang referee sa likuran. Binalikan ng nagreklamong player ang game official at muling sinapak kaya bumagsak ito sa court. Kinondena ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Bicol Chapter ang anila'y kawalan ng respeto ng ilang player sa SBP-accredited referee. Magsasampa umano ang grupo ng pormal na reklamo laban sa mga nanakit na players. Hinimok din nito ang Nabua National High School Alumni Basketball League na tumulong sa kanilang imbestigasyon. TV Patrol, Martes, 1 April 2025

Read More:
TV Patrol
basketbrawl
referee
Nabua National High School
Camarines Sur
Samahang Basketbol ng Pilipinas Bicol Chapter
ABSnews
basketball
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT