PWD sa Imus, 'napagtripan' umano at ginulpi ng 2 lalaki | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PWD sa Imus, 'napagtripan' umano at ginulpi ng 2 lalaki

PWD sa Imus, 'napagtripan' umano at ginulpi ng 2 lalaki

Jervis Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

Sugatan ang isang 25-anyos na PWD matapos bugbugin ng dalawang lalaki sa Barangay Malagasang sa Imus, Cavite nitong Biyernes ng gabi.

Kuha sa CCTV ang paghabol ng dalawang suspek sa PWD na nakabike at ang pambubugbog nila sa biktima.

Ayon sa ina ng biktima, lumabas ang kanyang anak pasado alas-7 ng gabi para pumunta sa tindahan.

"Bibili siya ng mani sana, pinasok na ng tito ang bike, nilabas pa niya, mamaya may nagpunta dito sabi nabugbog na siya, ayaw maniwala ng kapatid ko, sabi kakaalis lang bakit nabugbog," sabi ni Larina Arellano.

ADVERTISEMENT

Hinabol ng dalawang suspek ang biktima at pinagsusuntok sa ulo.

Nagtamo ng bukol sa ulo at duguan ang labi ng biktima.

Labis ang pag-aaalala ng ina ng biktima, na nasa Maynila nang mangyari ang insidente.

"Humingi siya ng tulong, wala man lang dumaan nung time na yon. PWD yan, may tubo pa yan sa ulo, buti di tinamaan. Nagsorry [ang suspek] pero sabi ko sa ginawa mo, kailangan mong pagdusahan kasi paano kung nawalan ako ng anak?" sabi ni Arellano.

Lumalabas sa imbestigasyon na napagbintangan ng mga suspek na kumuha ng bracelet ang biktima.

Itinanggi naman ito ng biktima dahil hindi naman niya kilala ang mga suspek.

"Sa tingin ko nakursunudahan, napagtripan lang po ng mga kabataan," sabi ni Patrolman Jimwell Villapando mula sa Imus City Police.

Agad naaresto ang isa sa mga suspek sa tulong ng taumbayan, habang dinala naman sa DSWD ang isa pang menor de edad na suspek.

"Sana maging aral po ito sa kabataan na hindi nagbibiro ang batas natin na kapag nakasakit ng tao, maaaring makulong sila," dagdag ni Villapando.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.