Lalaki timbog sa bantang ikakalat ang hubad na video ng babae; biktima, nabuntis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki timbog sa bantang ikakalat ang hubad na video ng babae; biktima, nabuntis

Lalaki timbog sa bantang ikakalat ang hubad na video ng babae; biktima, nabuntis

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 01, 2025 01:21 PM PHT

Clipboard

NBI-ANDO

MAYNILA — Kalaboso ang isang lalaki matapos magbanta na ilalabas ang hubad na video ng isang babae kung hindi makikipagtalik sa kanya sa San Jose, Antique. 

Base sa salaysay ng biktima sa NBI-Antique District Office (NBI-ANDO), taong 2022 siya nakatanggap ng mensahe mula sa lalaki at sinabing may hawak siyang video niya na hubo’t hubad.

Humiling ang biktima na burahin ang naturang video pero binantaan siya ng suspek na ikakalat ito kung hindi siya papayag na makipagtalik. 

Matapos ang mahigit tatlong taong pang-aabuso, hindi pa rin tumigil sa pananakot ang suspek hanggang sa mabuntis niya ang biktima. 

ADVERTISEMENT

Humingi ng saklolo sa NBI ang biktima at naaresto ang suspek noong March 24 sa kaniyang bahay sa Dalipe, San Jose, Antique

Nahaharap ang suspek sa mga reklamong paglabag sa Anti- Photo and Video Voyeurism Act of 2009 at grave coercion.


IBA PANG BALITA:


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.