Iringan ng dalawang grupo sa resort sa Bulacan, nauwi sa rambol | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Iringan ng dalawang grupo sa resort sa Bulacan, nauwi sa rambol

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nauwi sa pisikal na away ang iringan ng dalawang grupo sa isang resort sa Barangay Gatbuca, Calumpit, Bulacan nitong Lunes ng gabi.
Ayon kay Calumpit police chief PLt. Col. Jonathan Meru, mga dayo mula sa Tondo at Quiapo, Maynila ang dalawang grupo.
“Nagkatinginan. Hindi naman sila nakainom pareho. Kaya kursunadahan lang talaga. Nagkasagian, nagkatiinginan, siguro masama ‘yong dating no’ng tingin,” sabi ni Meru.
Tatlong indibidwal ang nasugatan sa insidente.
“Para maiwasan natin ‘yong ganitong away, respetuhan lang po… iba-iba tayo ng pinanggalingan, iba-ibang kultura. ‘Yong tingin lang minsan o kaya sagi lang pinag-uumpisahan po ito ng away,” dagdag ni Meru.
Nagkasundo na ang magkabilang panig matapos mag-usap, ayon sa pulisya.
Samantala, nakatakda namang makipagpulong ang Barangay Gatbuca sa pamunuan ng naturang resort.
“Ipapatawag po namin ‘yong may ari no’ng resort para po mapag-usapan at hindi na po maulit pati po ‘yong security nila at ano ho ba talaga ‘yong nararapat gawin kung may mga ganyang problema,” saad ni Bgy. Chairman Ton Robles.
Sinikap ng ABS-CBN News team na kuhanan ng pahayag ng naturang resort pero tumangging magbigay ng komento ang pamunuan nito.