Basketball game sa Camarines Sur, nauwi sa gulo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Basketball game sa Camarines Sur, nauwi sa gulo

Basketball game sa Camarines Sur, nauwi sa gulo

Jonathan Magistrado,

ABS-CBN News

Clipboard

Basketball game sa Camarines Sur, nauwi sa gulo
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.


Nauwi sa gulo ang championship game ng Inter-batch basketball tournament ng Nabua National High School sa Nabua, Camarines Sur.

Sa Facebook live ng laro noong ika-26 ng Marso, 2025, makikita ang pagkwestyon ng isang player sa hindi pagtawag ng foul ng referee nang masagi ng kalaban habang nagtatangkang magshoot.

Lumayo ang player sa referee pero ilang sandali lang ay sinugod ito, dinuro at sinapak. Naawat ang player ng ibang referee pero isa pang ka-grupo nito ang sumuntok habang nakatalikod ang referee.

Kita rin sa video ang muling pagsugod at pagsuntok sa mukha ng referee ng nagreklamong player, dahilan para bumagsak ito sa basketball court.

Kinondena ng Samahang Basketbol ng Pilipinas o SBP Bicol chapter ang anila’y kawalan ng respeto ng ilang player sa SBP-accredited na referee.

“The Samahang Basketbol ng Pilipinas Bicol Chapter unequivocally condemns acts of violence perpetrated by players, coaches, or spectators during basketball games and reiterates its zero-tolerance policy towards such behavior,” pahayag nito.

Ayon kay SBP-Bicol regional director Engr. Solomon Ngo, pinaiiral nila ang zero-tolerance policy laban sa mga karahasan sa loob ng court kaya magsasampa sila ng pormal na reklamo sa mga nanakit na players.

“The Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) hereby announces its intention to pursue legal action. Furthermore, the SBP will impose a ban on all players involved in the incident from participating in any SBP-affiliated referees,” dagdag nito.

Hinimok naman ng SBP ang Nabua National High School Alumni Basketball League na tumulong sa isinasagawa nilang imbestigasyon sa insidente.

“This incident represents a significant breach of conduct, and your cooperation is vital in ensuring that justice is served. We urge you to provide all requested information and documentation promptly to facilitate a fair and thorough legal process,” apela nito.

Nagbabala rin ito sa mga liga na aalisan ng accreditation kapag hinayaang maglaro muli ang sangkot na players.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.