5 aso patay matapos umanong lasunin ng kapitbahay sa La Union | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
5 aso patay matapos umanong lasunin ng kapitbahay sa La Union

ABS-CBN News,
April Rafales
Published Mar 04, 2025 12:12 PM PHT

LA UNION — Nagluluksa ang dog owner na si Kate Bulacan matapos sabay-sabay mamatay ang lima niyang alagang aso sa Agoo, La Union.

Nitong Sabado, isang kapitbahay ni Bulacan ang nagsabing patay na ang isa niyang aso na natagpuan sa likod ng kanilang bahay.

Katabi pa ng naturang aso ang lalagyan ng pagkaing hinihinalang inihain na may kasamang lason.

Nang makitang patay na nga ito, pinuntahan niya ang iba pang alagang aso at dito na nakitang wala na rin silang buhay. Lahat sila ay bumubula umano ang bibig.

ADVERTISEMENT
May edad isa hanggang lima ang mga aso na halos anak na ang turing ni Bulacan.

Hinala ni Bulacan, isa sa mga kapitbahay niyang may mga alagang panabong na manok ang may gawa nito.

"Ang sabi nila pinapatay daw ng mga aso namin 'yang mga manok. Ang sabi ko naman, maling-mali. Kung nagkasala man ang aso namin, may ebidensya sila, inano sana nila sa barangay," aniya.

Dagdag niya, open area ang kanilang lugar at puwedeng ibang aso rin ang pumapatay ng mga panabong ng kaniyang kapitbahay.

Desidido si Kate na magsampa ng reklamo laban sa nanlason umano sa mga alaga niyang aso.

"Hindi basta-basta ang nawala są akin. Hindi lang basta alaga lalo na yung Mini Pinscher, talagang siya lang ang kasama ko dito sa bahay. Pag natulog ako pati siya katabi ko. Minsan isa pa unan namin, kaya ang hirap," aniya.

IBA PANG ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT