'Tao Po': Paglipad ni Vinz Pascua patungo sa kanyang hilig sa bird watching | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Tao Po': Paglipad ni Vinz Pascua patungo sa kanyang hilig sa bird watching

ABS-CBN News
Published Mar 27, 2025 01:04 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA -- Habang nahihilig ang ibang mga kabataan sa sports, kakaibang hobby naman ang kinahumalingan ng isa sa pinakabatang bird watcher sa Pilipinas na si Vinz Pascua.

Mula sa panayam kay Vinz, ibinahagi niya kung ano ang definition ng bird watching. “So, it’s an activity that allows us to go out and spot birds–photograph birds out in the field.”

Siyam na taong-gulang pa lamang si Vinz nang sundan niya ang paglipad ng kaniyang ama na si Alain Pascua, ang kauna-unahang Pilipino na nakakuha ng litrato ng Philippine Eagle.

Kuwento niya, “It started way back po, mga 2011. He brings me to areas around the Philippines like Balinsasayaw, Palawan.”

Ayon sa pahayag ng mag-ama, halos tatlong daan lamang sa mahigit pitong daan na bird species ang endemic o hindi karaniwang makikita dito sa Pilipinas.

Inilarawan nina Vinz at Alain kung anong klaseng achievement ang nakukuha nila mula sa bird watching.

Ayon kay Alain, “Ang isang photographer din, ‘pag nakakuha siya ng magandang litrato ng ibon, makikita niya parang trophy niya ‘yan.”

Disiplina, timing, at matatalas na mga mata— iyan ang pinakamahalagang baon sa mga bird watching session.

Para naman kay Vinz, “For the longest time, we’ve always had this problem of the Philippines having some rarest birds in the world. All due to deforestation and other threats.”

Bilang mga bird watcher, layunin ng mag-ama na magkaroon ng kamalayan ang mga tao patungkol sa pag-conserve at pag-preserve ng iba’t ibang wildlife species dito sa Pilipinas, gaya ng mga ibon.

Ang malayang paglipad ng mga ibon ang nag-udyok kay Vinz para mag-publish ng libro patungkol sa mga ibon ng Subic Bay upang ipalaganap ang natatanging wildlife species sa pamamagitan ng bawat pagpitik ng mga larawan.

Ulat ni Jervis Manahan para sa programang Tao Po (February 23, 2025).

Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito.