PNP: Politika isa sa posibleng motibo sa San Rafael, Bulacan 'ambush' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PNP: Politika isa sa posibleng motibo sa San Rafael, Bulacan 'ambush'

MAYNILA — Politika ang isa sa tinitingnang anggulo at motibo ng Philippine National Police (PNP) sa pagpatay sa 3 tao na sakay ng isang SUV sa San Rafael, Bulacan noong Biyernes, Marso 21.

Ang isa raw sa mga biktima ay sinasabing consultant ng mga politiko sa Bulacan na nakilalang si Bryan Villaflor.

Kasama ring namatay ang dalawang pasahero, na partner ni Villaflor at ang kanilang umano'y security.

Maliban sa tatlong namatay, walo pa ang nasugatan sa insidente.
Maliban sa tatlong namatay, walo pa ang nasugatan sa insidente.
ADVERTISEMENT
“Isa sa tinitingnan nating anggulo na politically-motivated ito. Yun ang direksyon natin base sa results ng investigation,” sabi ni Brig. Gen. Jean Fajardo, hepe ng Central Luzon police.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan ang Central Luzon police sa Criminal Investigation and Detection Group kaugnay sa mga follow up operations.

Magbibigay na rin ng P2 milyong pabuya kung sino man ang may impormasyon kaugnay sa mga salarin.

Sabi pa ni Fajardo na bukod sa namaril, inaalam na rin kung sino ang nasa likod ng krimen.

“Naniniwala kami na matutunton natin kung sino yung may kagagawan nito ay yung posibleng utak," dagdag ni Fajardo.