Most wanted sa Calabarzon, patay sa engkwentro | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Most wanted sa Calabarzon, patay sa engkwentro

MAYNILA -- Dead on the spot ang isang lalaki na itinuturing na most wanted person sa Calabarzon matapos umanong manlaban sa mga pulis na aaresto sa kaniya sa Purok 4, Sitio Salagubang sa Barangay Palingon, Calamba City, Laguna.

Nakilala ang nasawi na si Mark Lee Almendral, 30 taong gulang na nahaharap sa dalawang kaso ng murder at dalawang kaso ng attempted murder.

Sa kuha body camera ng mga pulis na ipinadala ni Calabarzon PNP Regional Director PBGen. Paul Kenneth Lucas sa ABS-CBN News, makikita ang pagpasok nila sa isang bahay para arestuhin ang wanted.

Makikita pa sa edited video ang isang bata sa kuwarto na umiiyak, na agad din naman nailayo ng mga pulis.
Makikita pa sa edited video ang isang bata sa kuwarto na umiiyak, na agad din naman nailayo ng mga pulis.
ADVERTISEMENT
Maririnig sa video na nagsasalita ang isang pulis habang pinapalabas ng kuwarto ang suspek, kasabay ang pagbabanta nito na papaputukan nila ang suspek kung hindi ito sumuko.

Pero ilang saglit pa maririnig na sa video na sumisigaw ang isang pulis na naghagis umano ng granda ang suspek. Hindi naman pumutok ang granada.

Ang sunod na makikita sa video ay nagpapaputok na ang mga pulis at makikita na ang suspek na nakadapa sa may labas ng pinto ng bahay.

Ilang beses sinubukan ng ABS CBN News na kunan ng pahayag ang hepe ng Calamba City Police na si PLTCol. Victor Sobrepeña, pero hindi siya magpaunlak ng panayam.

Hindi rin sumasagot sa tawag ang hepe ng Calabarzon Police na si PBGen. Paul Kenneth Lucas, at sa halip ay nagpadala na lamang siya ng kopya ng police report.

Base sa police report, ang operasyon ay base sa mga warrant of arrests sa kasong murder na iniisyu nina Presiding Judge Maria Cecilia Ty Pantua, 4th Judicial Region, Branch 104, Calamba City at Presiding Judge Angelina Mailom-Orendain ng 4th Judicial Region, Branch 92, Calamba City.

Mayroon ding warrant of arrests sa kasong attempted murder na iniisyu sina Acting Presiding Judge Mary Grace Bonsol-Cabal ng 4th Judicial Region, Branch 35, Calamba City at Presiding Judge Maria Cecilia Ty Pantua, 4th Judicial Region, Branch 104, Calamba City.

Isinagawa ang operasyon ng Tactical Support Company ng Regional Mobile Force Battalion 4A, RID Special Team, at Warrant Section and Intel Operatives of Calamba City Police.
Inaresto rin ng mga pulis ang live-in-partner ng nasawing suspek na si Rowena Manila, 33 anyos matapos harangin umano ang mga pulis na aaresto.
Nahaharap siya sa kasong direct assault at obstruction of justice.
Isinagawa ang operasyon ng Tactical Support Company ng Regional Mobile Force Battalion 4A, RID Special Team, at Warrant Section and Intel Operatives of Calamba City Police. Inaresto rin ng mga pulis ang live-in-partner ng nasawing suspek na si Rowena Manila, 33 anyos matapos harangin umano ang mga pulis na aaresto. Nahaharap siya sa kasong direct assault at obstruction of justice.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT