Isa sa mga napatay sa pananambang sa San Rafel, Bulacan, staff ng congressional candidate | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Isa sa mga napatay sa pananambang sa San Rafel, Bulacan, staff ng congressional candidate

Isa sa mga napatay sa pananambang sa San Rafel, Bulacan, staff ng congressional candidate

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

SAN ILDEFONSO, Bulacan - Nakaburol na sa kanyang bahay ang isa sa mga lalaking biktima ng pananambang sa Bgy. Capihan, San Rafael, Bulacan noong Biyernes. 

Kinilala ng mga kaanak ang isa sa napatay na si Bryan Villaflor, 33 anyos at staff ni Bulacan 3rd District Representative Lorna Silverio at kanyang anak na si Vic Silverio, na congressional candidate din sa susunod na halalan. 

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga kaanak mismo ni Villaflor, habang may mga ilang lokal na opisyal na rin ng lungsod at lalawigan ang mga bumisita na sa kanyang burol. 

Sa isang panayam kay Rep. Lorna Silverio, kinumpirma niya na consultant nila si Villalfor. 

ADVERTISEMENT

Nag-paabot na rin sila ng pakikiramay sa pamilya ng nasawi. Nanawagan rin sila ng agarang aksyon mula sa PNP upang matunton ang mga nasa likod ng pamamaril. 

Palaisipan pa hanggang ngayon kung ano ang posibleng motibo sa krimen. 

"Nakakalungkot kasi itong si Bryan ay mabuting anak sa kanyang mga magulang. He is the breadwinner of the family. Actually may mga nararamdaman na raw siya [Bryan] kasi may mga ikot ng ikot sa kanila. Sa kanilang bahay. Nag-iingat naman yung tao," sabi ni Rep. Silverio. 

Sa inisiyal na impormasyon mula sa pulisya, magugunitang nakasakay sa itim na SUV si Villaflor, kasama ang kanyang buntis na nobya at isang lalaking security personnel nang habulin sila ng isa pang itim na SUV at pinagbabaril. 

Dead on the spot si Villaflor at ang kasamahang security personnel na ayon sa PNP ay isang Corporal mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP). 

Sinubukan pang isugod sa ospital ang nobya ngunit binawian din ng buhay kalaunan. 

Ayon kay Rep. Silverio, bibili sana ng wheelchair para sa ama si Bryan kaya sila umalis ng bahay noong Biyernes. 

"Lumabas lang siya kasama ang girlfriend dahil ibibili yung father ng wheelchair," sabi ni Rep. Silverio. 

Ayon sa Bulacan PPO, hindi bababa sa 25 basyo ng bala ang nakalap ng SOCO sa pinagyarihan ng krimen. 

Samantala, bukod pa sa mga nasawi, may 7 ring sugatan sa insidente matapos madamay ang isang motorsiklo, isang pampasaherong jeep at isang sasakyan. 

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang 16 taong gulang na babaeng pasahero ng jeep at kasalukuyan pa siyang ginagamot sa ospital. 

Ayon kay Rep. Silverio, nagpaabot na rin sila ng tulong pinansyal sa mga nadamay sa insidente. 

"May katabi siyang dalawang bata, mga high school, yung isa doon nadala na sa Cabanatuan. Kailangan maoperahan. binigyan na namin ng tulong kasi meron mga napagamot siyempre," sabi ni Rep. Silverio. 

Sinusubukan pa ng ABS-CBN News kunan ng pahayag ang kaanak ng iba pang nasawi na hiwalay na nakaburol sa Candaba Pampanga at sa Palayan Nueva Ecija. 

Nagpapatuloy naman ang manhunt operation ng PNP upang matunton ang mga nasa likod ng krimen. 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.