Truck inararo ang 8 sasakyan sa Benguet; 1 patay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Truck inararo ang 8 sasakyan sa Benguet; 1 patay

ABS-CBN News,
April Rafales
Published Mar 22, 2025 08:31 PM PHT
|
Updated Mar 22, 2025 09:35 PM PHT

(UPDATED) Malagim ang sinapit ng mga pasaherong nadamay sa aksidente sa bayan ng Tuba, Benguet ngayong hapon ng Sabado, kung saan isang truck ang bumangga sa walong sasakyan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pababa ng La Union sa Marcos Highway ang forward truck bandang alas-3 ng hapon nang mawalan ito ng preno.

Una nitong nabangga ang sinusundang mini SUV at nakapark na kotse.

Nagtuloy-tuloy pa itong tumakbo at nabangga pa ang isang pick-up truck, isang SUV, isang kotse, isang van, at dalawang motorsiklo, hanggang tuluyan itong sumalpok sa isa pang van na papunta ring La Union.

ADVERTISEMENT
Itinakbo sa pagamutan ang mga driver at pasahero ng mga nadamay na sasakyan.

Dead on arrival ang rider ng isang motorsiklong inararo dahil sa tindi ng tamang tinamo sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng truck na sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple injuries at damage to properties.