Sugatang agila, nasagip sa Occidental Mindoro | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sugatang agila, nasagip sa Occidental Mindoro

Sugatang agila, nasagip sa Occidental Mindoro

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Isang sugatang Changeable hawk-eagle ang nasagip ng isang residente ng Sitio Aplaya sa Barangay Burgos sa bayan ng Sablayan sa Occidental Mindoro. 

Nagpapastol ng baka sa bundok si Arr James Bergonia nang mapansin niya ang malaking ibon na nakasubsob sa mga cogon grass. Hindi lumipad ang ibon ng lapitan ni Bergonia kung saan agad niyang napansin na may sugat itong sa kaliwang mata.

“Medyo tamlay na po siya ,eh kaysa naman po madali siya doon ng ibang hayop inuwi ko po siya dito sa bahay “ sabi ni Bergonia.

Nang makauwi sa bahay, agad na nagresearch sa internet si Bergonia at dito niya natuklasan na isang uri ng agila ang kaniyang nasagip na ibon. 

ADVERTISEMENT

Dahil batid niya na kailangan mapangalagaan ang agila, agad siyang nakipag-ugnayan sa kaniyang tito na nagtatrabaho sa LGU ng Sablayan. 

Agad na dumsating ang mga taga-Community Environment and Natural Resources Office  (CENRO) Sablayan at mga taga-Municipal Enviroment and Natural Resources Office (MENRO) para suriin ang agila. 

Dinala agad ito sa Tamaraw Conservation Program ng DENR sa bayan ng San Jose kung saan may pasilidad para magamot ng beterinaryo ang agila. 

Oobserbahan muna ang agila sa nasabing pasilidad bago pakawalan sa kagubutan kapag maayos na ang kalagayan nito.

 “Yung mga ganito po mga apex predator. So sila po yung nagkocontrol ng mga population po ng mga nasa babang hierarchy “ sabi ni Renchel Kaye Lopez ng CENRO Sablayan.

 Hindi na umano bago na nakakita ng agila sa Occidental Mindoro lalo’t magubat pa ang kabundukan.

 “Since napapalibutan tayo ng forested area, Ok 'yung habitat nila tapos mayroon silang mga preys. Mayroon silang p'wde makain tapos aside from that napapalibutan din tayo ng seas. May mga ibon din na kumakain specifically ng mga isda," sabi pa ni Lopez.

 Pinasalamatan ng local na pamahalaan ng Sabalayan si Bergonia sa pagkakasagip sa agila.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.