2 patay sa banggaan ng military truck, multicab sa Misamis Oriental | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 patay sa banggaan ng military truck, multicab sa Misamis Oriental

Patay ang dalawang sakay ng multicab matapos bumangga sa isang military truck sa highway ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Laguindingan, Misamis Oriental, Linggo ng hapon.

Makikita sa CCTV ang convoy ng ilang military truck. Nang mag-red light na ang traffic light, isa sa mga truck ay dumire-diretso pa rin.

Hindi nito namalayan ang multicab na lumiko pakaliwa kaya nangyari ang banggaan.

Ayon kay Police Senior Master Sergeant Doni Alimahan, traffic investigator ng Laguindingan Municipal Police, dahil sa tindi ng banggaan, tumilapon ang mga sakay sa multicab.

ADVERTISEMENT
Aniya, lima naman ang sugatan sa aksidente. Ang dalawang pumanaw ay isang babae at lalaking magkapatid.

"Yung nag-green na yung traffic light, yung multicab, hindi na niya tiningnan yung approaching vehicle from Iligan. Nag-rely lang siya sa traffic light, nag-go siya agad. Yung military truck na driver, hindi na nakita yung traffic light, tuloy-tuloy lang yung pagmaneho niya, kaya doon sapul," sabi ni Alimahan sa ABS-CBN News.

Nakulong sa kanilang presinto ang sundalong driver ng truck, pero nakalaya din matapos magkaareglo ang dalawang partido, ayon sa PNP.