Putol-putol na parte ng katawan ng tao, nadiskubre sa Marilaque Highway | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Putol-putol na parte ng katawan ng tao, nadiskubre sa Marilaque Highway

Putol-putol na parte ng katawan ng tao, nadiskubre sa Marilaque Highway

Ronilo Dagos

Clipboard

MAYNILA — Natagpuan ang mga putol-putol na bahagi ng katawan ng isang hindi pa nakikilalang tao sa Marilaque Highway sa bahagi ng Barangay Laurel, Santa Maria, Laguna nitong Martes.

Ayon sa ulat ng Santa Maria police, bandang 12:30 ng tanghali nang i-report ng isang miyembro ng crime watch force ang insidente.

Sinasabing isang rider ang unang nakadiskubre sa putol na paa ng tao na itinapon sa gilid ng highway matapos na malanghap  nito ang masangsang na amoy sa lugar.

Nag rumesponde ang mga pulis, natagpuan ang isa pang bahagi ng katawan na pinaghihinalaang binti, nasa 100 metro ang layo mula sa natagpuang paa.

ADVERTISEMENT

Nakabalot ito sa isang plastic ng basura at naaagnas na.

Patuloy pa ang isinasagawang paghahanap sa lugar para sa iba pang posibleng nawawalang bahagi.

Isinailalim na rin sa pagsusuri ng  Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang mga natagpuang bahagi habang patuloy din ang imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima. 


IBA PANG BALITA: 

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.