Pusang pinagsasaksak, nasagip ng animal welfare group sa Negros Occidental | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pusang pinagsasaksak, nasagip ng animal welfare group sa Negros Occidental

BABALA: SENSITIBONG BALITA
Pusang si Moymoy isinugod sa veterinary clinic matapos pagsasaksakin sa Negros Occidental. BACH Project PH

Nasagip ng animal welfare group na BACH Project PH ang isang pusa matapos umano itong pagsasaksakin sa Murcia, Negros Occidental nitong Miyerkoles, Marso 19, 2025.

Ayon sa grupo, nabigla ang may-ari kay "Moymoy" nang bumalik ito sa kaniyang bahay sa Sunrise Village sa Barangay Blumentritt at nakitang puno na ng dugo ang alaga at nagtatago sa ilalim ng kama.

Nang suriin niya ito, nakalabas na umano ang bituka ni Moymoy dahil sa mga natamong sugat dahil sa pananaksak.

Agad itong dinala sa isang veterinary clinic sa Bacolod City para maipagamot.
Agad itong dinala sa isang veterinary clinic sa Bacolod City para maipagamot.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Facebook post ng BACH Project PH, pasado alas-5 ng hapon nitong Miyerkoles ay naitawid na ni Moymoy ang isinagawang pag-opera sa kaniya ngunit nasa kritikal pa rin ang kondisyon nito.

"The stab wounds tore through his intestines, and the vets had to stitch them back together. He remains on oxygen, fighting for his life. He's not giving up," ayon sa post ng grupo.

Hindi ito ang unang beses na may nasagip na hayop na pinagmaltratuhan sa nasabing barangay at bayan dahil dito rin nasagip noong nakaraang buwan ang isang aso na may mga pana sa katawan.

Inireport na ng grupo sa kinauukulan ang nangyari para makilala kung sino ang nasa likod ng pananaksak.

Nananawagan naman ng tulong ang grupo para sa mga kakailanganing gamot at medical procedure ni Moymoy.