Lalaki na nagbenta ng nakaw na motorsiklo arestado; buyer, kaibigan ng may-ari | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki na nagbenta ng nakaw na motorsiklo arestado; buyer, kaibigan ng may-ari

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Arestado ang isang 38-anyos na lalaki na itinuturing na top 6 most wanted person ng Antipolo Component City Police Station dahil sa kasong Carnapping, nitong Martes ng hapon, ika-18 ng Marso, 2025.
Naaresto ang akusado sa ikinasang operasyon ng Provincial Highway Patrol Team ng Rizal at Antipolo Police sa tinutuluyan ng akusado sa Barangay Nayon.
Sa imbestigasyon ng PNP, lumabas na noong January 2025 ay ibinenta ng akusado ang isang nakaw na motorsiklo sa kaniyang kapitbahay, na kaibigan pala ng may-ari ng ninakaw na motor.
"Itong suspek natin may kaibigan siya na kung saan itong motor galing sa kaibigan niya, kinuha itong motor sa kalapit bahay din niya. Ngayon nung pinabebenta itong motor na ito, hindi niya alam na itong motor na nakuha at ibinebenta, sa kalugar din niya. Kaya nung malaman ng biktima na 'yung motor ay ibinebenta sa lugar niya, nagsampa siya ng kaukulang reklamo sa suspect," sabi ni Police Lieutenant Orlando Jalmasco, Public Information Officer ng Antipolo CCPS.
"Nung maituro nung witness na itong motor ibinebenta ng kalugar nila, itong may-ari humingi ng assistance sa barangay sa area at iyon positibong nakilala itong motor na ito," sabi pa ni PLt. Jalmasco.
Dati na ring nakasuhan ng pagnanakaw ang lalaki matapos masangkot sa snatching taong 2003.
Aminado ang akusado na ibinenta niya ang motor pero hindi umano niya alam na galing ito sa nakaw.
"Lumapit po sa akin 'yung kaibigan dahil kailangan niya ng pera. Ipinabenta po niya 'yung motor. Naghanap po ako ng masasanglaan. Hindi ko naman po alam na 'yung motor ay hindi naman po pala sa kaniya," sabi ng akusado.
Nasa kustodiya na siya ng Antipolo CCPS custodial facility. Tatlonndaang libong piso ang piyansa sa kinakaharap niyang kasong paglabag sa New Anti Carnapping Act of 2016.