Parokya ng Santa Ursula, pinarangalan bilang 'National Cultural Treasure' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Parokya ng Santa Ursula, pinarangalan bilang 'National Cultural Treasure'

Parokya ng Santa Ursula, pinarangalan bilang 'National Cultural Treasure'

Jonathan Cellona,

ABS-CBN News

Clipboard



Makasaysayan para sa mga taga Binangonan ang paghirang sa Simbahan ng Binangonan bilang isang “National Cultural Treasure" ng National Commission for Culture and the Arts noong ika-2 ng Marso, 2025.

Ang Parokya ng Binangonan ay unang itinatag noong 1621, pinamahalaan ng mga Heswita (Jesuits) noong 1679, mga Augustinians noong 1697 at ibinalik sa mga Franciscans noong 1737.   

Itinayo ang simbahan noong 1792 hanggang 1800, inayos noong 1853 kasabay ng pagpapatayo ng katabing kumbento sa ilalim ni Fr. Francisco de Paula Gomez.

Ayon kay Jhestern Juan, Social Communications Ministry Head ng Parokya ng Santa Ursula, kinilala ang simbahan sa dahil sa angkin nitong disenyo tulad ng dalawa nitong ‘retablo.’ Madaming bahagi ng buong simbahan or nung complex at iba pa nitong ‘ecclesiastical properties” ay kasama sa naiproklamang “national cultural treasure” ng NCCA.    

ADVERTISEMENT

"‘Yung ating main retablo na 19th century or 1900s, samantalang ang ating side retablo na tinayo pa noong 1800s pa. Iilan lamang sa Pilipinas ang makikitaan ng inverted ang pagkakagawa (ng columns sa retablo). Ang usual ‘retablo’ ay parang bubong ng bahay na pababa, pero yoon, may parte doon sa apat na columns ay pataas,”  dagdag ni G. Juan.

Makikita din ang mga ukit sa iba-ibang parte ng retablo na sinasabing posibleng inukit ng mga Tsino o maaring nagtrain ang mga Tsino ng mga Filipinos sa pag-ukit ng mga detalye nito tulad ng mga bulaklak at mga prutas na makikita sa Pilipinas gaya ng bunga ng makopa.  

Katanig-tangi din ang kisame na gawa sa buong  ‘log(s)’ at hindi ginamitan ng pako. Gayun din ang mga galvanized steel o linso na pinintahan ng wangis nina Maria Dolorosa, San Juan Evangelista, Sta. Maria Magdalena” at ang painting ng “Sacred Heart of Jesus, na likha ni Juan Senson (1846-1947).

Makikita din ang relic ni Santa Ursula sa simbahan. “Swerte din ang simbahan ng Binangonan dahil narito ang bahagi ng buto ni Sta Ursula naka lagak sa loob ng simbahan,” wika ni Ginoong Juan.

"Kinalakihan ko na ang pagsamba dito at ilang taon naninilbihan sa pagiging service volunteer. Kung tutuusin, ika niya. Naging buo ako bilang isang tao, naging buo ako bilang isang Kristyano."

“Inaanyayahan po namin ang lahat na bumisita sa Simbahan ng Binangonan, Parokya nang Sta Ursula at tignan ang ating 'natural cultural treasure' at damhin ang presensya ng Panginoon.”

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.