Expired na karne na nasabat sa Bulacan, sinunog ng NBI | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Expired na karne na nasabat sa Bulacan, sinunog ng NBI

Expired na karne na nasabat sa Bulacan, sinunog ng NBI

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

Clipboard

BULACAN — Sinunog ng NBI-Central Luzon Regional Office ang mga nasabat na karne sa isang destruction plant sa San Ildefonso, Bulacan nitong Biyernes.

Ayon kay NBI-CELRO Director Isaac Carpeso Jr., aabot sa 37 tonelada — o nasa P600 milyon na halaga — ng mga nabubulok na mga karne ng baboy, manok, at baka ang kinailangan nilang i-dispose. 

Nakumpiska nila ang mga produkto nitong Martes sa isang cold storage facility sa Meycauyan, Bulacan. 

Napag-alaman ng NBI na nagre-reprocess, nagre-repackage, at nagre-relabel ng mga lipas na karne ang kumpanya bago ibenta sa malalaking pamilihan.

ADVERTISEMENT

Sinabi ni Carpeso na hindi na dapat makalabas ang mga ito sa merkado dahil delikado na siyang kainin ng publiko.

 Nauna nang itinanggi ng abogado ng kumpanya ang alegasyon pero sinabing sasagutin nila ang reklamo sa tamang panahon.

 Nagpaalala naman ang NBI sa publiko na siguruhing sariwa ang mga bibilhing produkto para makaiwas sa sakit.

KAUGNAY NA VIDEO



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.