9 hinihinalang miyembro ng criminal gang, arestado sa Laguna | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
9 hinihinalang miyembro ng criminal gang, arestado sa Laguna

MAYNILA — Inaresto ng police Criminal Investigation and Detection Group at iba pang law enforcement unit ang 9 hinihinalang miyembro ng Javier at Camerino Criminal Gang sa Barangay San Antonio sa San Pedro, Laguna, Lunes ng madaling-araw.

“The Javier group has been on our list since last year. ‘Yong Camerino group naman is just a newly identified group,” sabi ni PMaj. John Glenn Sablan, Chief Intelligence ng CIDG-RFU 4A.

Dagdag ni Sablan, sangkot ang naturang grupo sa iba-ibang uri ng krimen tulad ng robbery, carnapping, gun for hire, land grabbing at pagbebenta ng ilegal na droga at hindi lisensyadong mga baril.

“‘Yong area po is illegally occupied by the Camerinos, even ‘yong mga makeshift na buildings kagaya po ‘nong nasa paligid po natin. Parang ginawa po nila itong stronghold o fortress. ‘Yong mga occupants and civilians doon sa mga karatig na subdivisions ay umaalma na po sa presence nila,” dagdag ni Sablan.

Nakumpiska sa kanila ang siyam na iba-ibang uri ng baril at ilegal na droga.

Sentro ng operasyon ng naturang criminal gang ang Cavite, Laguna at Muntinlupa, ayon sa CIDG.

Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang iba pang miyembro ng grupo.

Read More:
Tagalog news
ABSNews
crime
krimen
criminal gang
Javier Criminal Gang
Camerino criminal gang
Calabarzon
CIDG
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT