Pusa, nailigtas matapos barilin sa Davao City | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pusa, nailigtas matapos barilin sa Davao City

Pusa, nailigtas matapos barilin sa Davao City

Hernel Tocmo,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nanghihina at batid ang sakit na nararamdaman ng puspin o pusang Pinoy na si "Bluei" matapos barilin sa kaliwa at kanang paa noong January 29 sa Shrine Hills, Matina, Davao City.

Sumailalim kahapon, Lunes, sa operasyon si Bluei sa Davao Emergency Veterinary Hospital at matagumpay na nakuha ang bala mula sa katawan ng pusa. 

Ayon kay doctor Ronald Lunar, buti na lang at hindi tinamaan ang dibdib ng pusa. 

"At the moment, medyo groggy pa rin siya, weak, then in pain siya, even though nagbigay na kami ng pain medication sa kanya. It's still painful. Out of danger na siya kasi wala nang bullet na naka-lodge, so i think [we're] just gonna wait na maka-recover siya. Naka-recover siya sa anesthesia sa ngayon, but of course, under monitoring pa rin siya," kwento ni Lunar sa ABS-CBN News. 

ADVERTISEMENT

Ayon sa may-ari na si Grace Trinidad, nagulat na lang siya pag-uwi mula sa kanyang trabaho bilang caregiver, na nanghihina at may sugat na si Bluei. 

Nasa 2 taong gulang ang edad ng pusa, at 6 na buwan pa lang mula nang ma-rescue ito ni Grace. 

"It's so painful, very painful. Imagine, anak mo, pet mo, binaril. Indescribable," ani Grace. 

Nagpa-blotter na sa Talomo Police Station ang may-ari para mahuli ang nagbaril sa pusa. 

Planong magsampa ng kaso si Grace sa gumawa nito sa kanyang pusa. 

"Magpaka-lalaki siya and don't abuse animals. You can't be a good person if you are unkind to animals. You might be doing that to humans too," ani Grace. 

Maari namang matulungan si Grace sa gastusin sa operasyon at pagpapagamot kay bluei sa GCash number na ito: 0915-476-7590 - Ronald Lunar.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.