Braso ng tao, natagpuan sa tiyan ng pating sa Palawan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Braso ng tao, natagpuan sa tiyan ng pating sa Palawan

MAYNILA – Isang braso ng tao ang natagpuan sa tiyan ng nahuling pating sa Barangay Calandagan, bayan ng Areceli, Palawan.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Pepito Katon Jr. ng Araceli Municipal Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nahuli ang nasa 20-kilong pating noong Pebrero 15 sa dagat malapit sa Canaron Island.

Nang kinatay ang pating, natagpuan ang kamay ng tao sa tiyan ng isda.

Hindi na nai-proseso para sa finger printing para sa posibleng pagkakakilanlan ang kamay dahil nasa state of decomposition na ito.

Ibinaon na lang ng mga residente sa lupa ang kamay, habang na-dispose na rin ang pating.

Samantala, nilinaw naman ng mga otoridad na hindi konektado ang insidenteng ito sa naganap na pag-atake ng pating nitong Huwebes sa Batangas.