Saleslady, nasagip sa hostage taking sa mall sa Batangas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Saleslady, nasagip sa hostage taking sa mall sa Batangas

Saleslady, nasagip sa hostage taking sa mall sa Batangas

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

LIPA CITY, Batangas — Nasagip ng pulisya ang isang saleslady na binihag ng lalaking suspek sa isang mall sa Lipa City nitong Martes ng gabi.

Sa report ng pulisya, pumasok sa isang shop ang lalaki at hinostage ang walang kamuwang-muwang na saleslady.

Isa sa mga naging demand ng suspek ay makausap ang kanyang asawa at magtawag ng mga miyembro ng media.

“Nagkaroon ng pagkakataon na madakip siya, at doon nag-lead sa kanyang pagkakaaresto,” sabi ni P/Maj. Luis de Luna Jr., hepe ng Investigation Section ng Lipa City Police Station.

ADVERTISEMENT

“According sa kanya, ang asawa niya ang nagbabanta sa kanyang buhay. Yun ang sabi niya. According sa suspect natin, may gustong pumatay sa kanya. Siguro dala ng kanyang emosyon, iniisip niya ang kanyang asawa ay gusto siyang ipapatay. According sa kanyang asawa ay may history na ng drug addiction ang suspek,” ani PMaj. de Luna.

Dagdag pa ng pulisya, pakiramdam ng suspek ay may humahabol sa kanya at may nakikitang may gustong pumatay sa kanya.

Tumagal nang halos tatlong oras ang hostage-taking, kung saan nasugatan ang lead negotiator at hepe ng Lipa City PNP ngunit ligtas naman ang saleslady.

Kasalukuyang nagpapagamot sa ospital ang hepe, na nasugatan sa kanyang kamay.

Mahaharap naman ang suspek sa reklamong serious illegal detention at carrying of deadly weapons.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.