1 patay, 2 sugatan sa pananaksak bago ang Valentine's Day; selos tinitingnang motibo ng krimen | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1 patay, 2 sugatan sa pananaksak bago ang Valentine's Day; selos tinitingnang motibo ng krimen

Randy Menor
Published Feb 14, 2025 01:36 PM PHT

ILOCOS NORTE — Patay ang 30 taong gulang na lalaki at sugatan naman ang mag-ina na edad 35 at 20 sa pananaksak sa Barangay Barit, Laoag City, Ilocos Norte nitong Huwebes ng tanghali.

Sa imbestigasyon ng Laoag City Police, nakaupo sa sala ng bahay ang biktima nang biglang pumasok ang 45-anyos na lalaking suspek at pinagsasaksak ito.

Pinasok din ng suspek ang kwarto ng mag-ina at pinagsasaksak din ang mga ito.

Agad na naaresto ang suspek ng mga rumespondeng barangay officials at pulis.
Agad na naaresto ang suspek ng mga rumespondeng barangay officials at pulis.
ADVERTISEMENT
Isinugod sa ospital ang 3 biktima pero nasawi ang lalaki.

Nakuha sa motorsiklo ng suspek ang 2 plastic sachet na umano'y shabu at 2 bala ng baril.

Ang suspek at ang 35-anyos na biktimang babae ay dating magkarelasyon.

Naghinala umano ang suspek na ang lalaking sinaksak niya sa may sala ang bagong karelasyon ng babaeng biktima, matapos nilang maghiwalay ilang linggo lang ang nakaraan.

Inihahanda na ng pulisya ang pagsasampa reklamong murder, frustrated murder, at paglabag sa Dangerous Drugs Act.