Lalaki na umano'y bully patay matapos pagsasaksakin ng ice pick sa Rizal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki na umano'y bully patay matapos pagsasaksakin ng ice pick sa Rizal

Lalaki na umano'y bully patay matapos pagsasaksakin ng ice pick sa Rizal

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang 30-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ng ice pick ng kapitbahay dahil umano sa pambu-bully sa Taytay, Rizal, noong Martes ng hapon.

Sa imbestigasyon ng PNP, matagal na umanong may alitan ang 23-anyos na suspek at biktima na nakatira sa iisang compound sa Barangay Dolores. Inimbitahan ng suspek sa kanyang bahay ang biktima para umano mag-usap pero nauwi umano ito sa pananaksak.

“Dahil sa pambu-bully allegedly ng biktima ay that day the suspect invited the victim na pag-usapan nila 'yung kanilang alitan but unexpectedly ay bumunot siya ng icepick, pinagtataga niya itong victim,” sabi ni Rizal police chief Col Felipe Maraggun.

“After the incident, tumakas itong suspek. Dinala naman ng relatives ng victim sa ospital ang biktima but unfortunately, he was declared dead on arrival,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Naaresto ang suspek sa kanyang tinitirhan sa Taytay, Rizal matapos ang follow-up operation ng pulisya. Narekober sa kanya ang ice pick at isa pang patalim.

Katwiran ng 23-anyos na lalaki, self-defense ang kanyang ginawang pananaksak matapos na magkaalitan sila ng biktima.

"Parang self-defense lang po 'yung ginawa ko. Nakapatong lang po sa may cabinet po 'yung ice pick. Kaya naglagay po ako ng ganun sa kwarto, lagi po kasi siyang may baon na ganon pang-saksak niya. Naglagay din po ako sa kwarto ko para po kung sakali," sabi ng suspek. 

"Natulak niya po ako sa kwarto ko kasi sabi niya po P70 lang 'yung pera, sa drugs po 'yun. Magbabayad po ako sa kanya. Gusto ko po talaga sana pag-ayusin kami dahil gusto ko po humingi siya ng pasensya sa akin. Kaya 'yung pinagpaplanuhan ko na sana makahingi siya ng dispensa hindi na po nangyari naunahan na po kami parehas ng init," dagdag ng suspek.

Inamin niya ring galit ang nag-udyok sa kanya kaya nangyari ang pananaksak.

"Naipon na po kasi lahat ng galit ko sa kanya, kaya po 'yun lang po 'yung naging pagkakataon ko po para mailabas po lahat. Kaya humihingi ako ng pasensya sa pamilya," sabi ng suspek.

Hindi matanggap ni Agnes Siar ang sinapit ng kanyang kinakasama.

"Wag niyang gawin dahilan 'yung pambu-bully dahil wala nang ganon. Bigyan niya ng hustisya 'yung asawa ko para matahimik siya. Hindi pa niya kaya mamatay, napakabata pa po niya," sabi ni Siar.

"Sa 13 years namin magkasama. Buhay ng asawa ko, pinakisamahan ko 'yan, siya lang ang kikitil. Hindi niya talaga binuhay eh. Tinorture niya ang asawa ko. Konsensya mo na 'yan, uusig pa rin ang hustisya para sa asawa ko," dagdag niya.

Nasa Taytay Police Custodial Facility ang suspek na nahaharap sa kasong murder. 


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.