Lola, sinunog umano ng kaniyang manugang sa Cebu | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lola, sinunog umano ng kaniyang manugang sa Cebu

Lola, sinunog umano ng kaniyang manugang sa Cebu

Clipboard


Inaresto ng pulisya ang manugang ng isang 84-anyos na ginang matapos umano siyang sunugin nito sa Carcar City, Cebu nitong Linggo.

Nangyari ang insidente sa kanilang bahay sa Sitio Cambuntan, Barangay Bolinawan.

Nakuhanan ng 11-taong-gulang na anak ng suspek ng cellphone video ang insidente.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, may galit umano ang 55-anyos na suspek sa kaniyang biyenan.

ADVERTISEMENT

“Dahil tinatakpan niya (biktima) kung nasaan ang kaniyang anak na asawa ng suspek,” ani PSSgt. Japhet Saavedra, imbestigador ng Carcar City police.

May alitan aniya ang mag-asawa na humantong sa pisikalan kaya umalis ang asawang babae sa kanilang bahay.

Tinanong ng suspek ang biktima kung nasaan ang ginang. Pero nang hindi sinabi ng biktima kung nasaan ito, kumuha ang suspek ng dalawang tumbler na may laman na gasolina saka ibinuhos ito sa biktima at sinindihan.

Dinig na dinig sa video ang pag-iyak ng batang nakakita sa insidente.

Tumangkang tumakas sa pinangyarihan ang suspek pero kaagad itong nahuli ng mga kapitbahay at ibinigay sa mga pulis nang pinaghahanap na siya.

ADVERTISEMENT

Kaagad naman nailigtas ang biktima na isinugod sa pinakalamalapit na ospital sa lungsod.

Nagtamo ito ng maraming paso kaya kinailangan iliipat sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu city. Nagpapagaling 

Inihahanda na ang kasong frustrated murder laban sa suspek.


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.