Mga pasahero dagsa na sa Calapan Port matapos ang holiday season | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pasahero dagsa na sa Calapan Port matapos ang holiday season

Sitwasyon sa Calapan Port, Enero 5, 2025. Handout/Oriental Mindoro PDRRMO

MAYNILA -- Dumagsa na ang mga pasahero na patawid patungong Batangas simula pa noong Sabado sa Calapan Port sa Oriental Mindoro, matapos ang holiday season.

Ayon kay Calapan Port manager Jon Manansala, umabot na ng 8,000 kada araw ang bilang ng mga pasahero kaya napuno na ng mga pasahero ang passenger terminal building na may kapasidad lamang na 3,500.

Hanggang sa labas ng passenger terminal building, maraming mga pasahero ang naghihintay.

Ayon naman kay Calapan City Disaster Risk Reduction and Management Office Head Dennis Escosora, umaabot na sa halos 200 ang bilang ng mga sasakyan na nakapila sa staging area na naghihintay na makapasok sa pantalan.

Inihinto na ang booking system, at sa halip ay nagpatupad ang PPA Calapan ng 'first come, first serve' system para sa mga sasakyan.

Ayon kay Manansala, nagdagdag na ng mga barko ang ilang shipping lines.

Natatagalan din umano ang biyahe ng mga barko mula sa Batangas Port dahil sa malalaking alon.

Inaasahang hanggang Lunes ay dadagsa pa ang mga pasahero na patawid ng Batangas na magbabalik trabao, matapos magdiwang ng Pasko at Bagong Taon.

KAUGNAY NA ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT