SAPUL SA CCTV: Cellphone ng lalaking natutulog sa tindahan, tinangay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SAPUL SA CCTV: Cellphone ng lalaking natutulog sa tindahan, tinangay

SAPUL SA CCTV: Cellphone ng lalaking natutulog sa tindahan, tinangay

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sapul sa CCTV ang pagnanakaw ng isang lalaki ng cellphone sa isang bakery sa Puerto Princesa City, Palawan, nitong Lunes ng madaling araw.

Ayon sa may-ari ng bakery sa Barangay Matahimik na si Jowlyn Baisa, naki-charge sa kanilang tindahan ang biktima at nakatulog. Dito na sinamantala ng kawatan ang pagkakataon at dahan-dahang tinanggal ang charger sa cellphone. Maya-maya pa, tuluyan na niya itong tinangay.

"Makikita sa CCTV na habang siya ay nakiki-charge, siya ay nakatulog. Unang tinanggal ng katabi niyang lalaking naka-puting jacket ang wire ng charger. After a while, kinuha na niya ang cellphone at mabilis na umalis," sabi ni Baisa.

Kwento ng empleyado ng bakery na si "Mesdam", agad nilang binalikan ang kuha ng CCTV nang mag-report ang biktima na nawawalan na siya ng cellphone. Natangay din umano ng kawatan ang P5,000 ng biktima na nakalagay sa phone case niya.

ADVERTISEMENT

"Nung may nag-report po sa amin na customer na nawawalan po ng cellphone at pera niya, agad po namin siyang tinulungan at in-assist. Ni-report po namin agad sa management para mai-check ang CCTV. Natuklasan po namin na may kumuha po talaga ng kanyang cellphone, agad din po namin siyang tinulungan na makapag-report sa awtoridad," sabi ni Mesdam.

Nahuli ng Mendoza police ang suspek matapos makuha ang pagkakakilanlan niya sa CCTV. Naaresto siya kalapit na barangay noong Lunes ng tanghali. Naibalik din sa biktima ang mga natangay na cellphone at pera.

Hindi na nagsampa pa ng reklamo ang biktima laban sa suspek.


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.