Halos P900,000 halaga ng hinihinalang shabu at baril, nakumpiska sa high-value target sa Rizal | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Halos P900,000 halaga ng hinihinalang shabu at baril, nakumpiska sa high-value target sa Rizal

Halos P900,000 halaga ng hinihinalang shabu at baril, nakumpiska sa high-value target sa Rizal

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

Nakumpiska ang halos P900,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang lalaking itinuturing na high value target dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga sa Antipolo City, Rizal, nitong Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Antipolo police, naaresto ang 28-anyos suspek sa buy-bust operation sa Barangay San Juan sa tulong ng isang informant. Nakipagkita sa lugar ang poseur buyer na binentahan ng ilegal na droga ng suspek.

"'Yung mga ibang nahuli na natin 'yung pangalan niya ang binabanggit na kung saan siya ang nagbibigay ng droga. Mula roon, itong suspek ay minanmanan ng ating operatiba. Hanggang sa naikasa na nga ang operasyon laban sa kanya, kaya siya ay ating naaresto," sabi ni Antipolo police duty officer PCapt. Ricardo Asuncion.

Sa social media umano kalimitang nakikipagtransaksyon ang high value target. Nakulong na rin siya noong 2016 matapos masangkot din sa ilegal na droga.

ADVERTISEMENT

"Kadalasan sa transaction niya ay online at nagkakaroon lang sila ng usapan kung saan ibabagsak 'yung drugs," sabi ni Asuncion.

Nakuha mula sa suspek ang 128 gramo ng hinihinalang shabu,

Nakumpiska rin sa suspek ang isang baril at mga bala, dalawang libong piso at ilan pang gamit.

Depensa ng suspek, hindi siya nagbebenta ng ilegal na droga pero aminadong gumagamit siya nito.

"Hindi po sa akin 'yun, wala po akong ganun. Walong taon po ako sa kulungan. Nitong nakaraang taon lang po ako nakalabas," sabi ng suspek.

Nasa kustodiya na ng Antipolo Police Station Custodial Facility ang suspek na mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Posible rin siyang sampahan ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code.


IBA PANG BALITA:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.