Senior citizen na gumagawa at nagbebenta umano ng mga di lisensyadong baril, arestado sa Rizal | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Senior citizen na gumagawa at nagbebenta umano ng mga di lisensyadong baril, arestado sa Rizal

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Arestado ang 67-anyos na lalaki na gumagawa at nagbebenta umano ng hindi lisensyadong mga baril at bala sa Baras, Rizal, nitong Martes ng madaling araw.

Ayon sa Rizal police, naaresto ang suspek sa loob ng tinutuluyang bahay sa Barangay Pinugay. Natunton ang suspek sa tulong ng isang informant.

Nakumpiska sa senior citizen ang tatlong baril at mga bala na walang lisensya, gayundin ang ilang parte ng mga baril.

"'Yung mga baril wala pong lisensya. The confiscated loose firearms submitted to the forensic unit for ballistic examination," sabi ni Rizal police chief Col. Felipe Maraggun.

Mano-mano lang umano ang paggawa ng suspek sa mga baril.

"Ang paggawa niya ay DIY (do-it-yourself) wala naman siyang mga machine sa paggawa ng baril," sabi ni Maraggun.

Depensa ng suspek, pinaiwan lang sa kanya ang mga baril.

"Na-refer lang sa akin, hindi ko siya masyadong kilala pa. In fact, ayoko nga sana. That afternoon, kung pwedeng ilagay ko raw muna roon at babalikan niya ng gabi. However, hindi naman siya bumalik," sabi ng suspek.

"Mayroon siyang pinapabenta nga, tinanggihan nga raw nung buyer niya 'yun kaya kung pwede raw ay iwan muna sa akin. Ang sagot ko sa kanya, ikaw naman ka-wrong timing mo, eleksyon ngayon, ngayon mo lang ibebenta," paliwanag niya.

Sabi pa ng suspek hindi naman umano gumagana ang mga baril.

"'Yung mga baril na 'yun for instance 'yung mga revolvers are not functioning, pinagawa lang sa akin," dagdag niya.

Binigyang-diin ng Rizal police ang kahalagahan ng pagkumpiska sa mga baril lalo dahil umiiral ang gun ban ngayong election period.

"Kapag ito'y napunta doon sa kamay ng mga kriminal lalong-lalo na ngayong election period, very significant itong pagkakumpiska ng loose firearms," dagdag pa ni Maraggun.

Nasa kustodiya na ng Baras Municipal Station Custodial Facility ang suspek at mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code.

Read More:
Tagalog news
crime
krimen
loose firearms
Rizal
Baras
gun ban
election period
omnibus election code
senior citizen
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT