Rider na nakipagkarera umano, patay matapos sumemplang sa Marilaque Highway | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Rider na nakipagkarera umano, patay matapos sumemplang sa Marilaque Highway
Christopher Sitson,
ABS-CBN News
Published Jan 28, 2025 02:06 PM PHT
|
Updated Jan 28, 2025 06:41 PM PHT

Isa ang patay at ilan ang sugatan matapos ang karerahan umano ng mga rider sa Marilaque Highway sa Tanay, Riza. Redan Ong

RIZAL — Patay ang isang 28-anyos na lalaking motorcycle rider matapos sumemplang dahil nakipagkarera umano siya sa kapwa rider sa Marilaque Highway sa Tanay, Rizal, nitong weekend.

Ayon sa Tanay police, sumalpok ang biktima sa concrete barrier sa Barangay Cuyambay na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Nagtamo naman ng sugat ang 26-anyos na kasabay niya umano sa karera at anim pang indibidwal na pawang mga nanonood at nakatayo sa tabi ng kalsada.
"Tinataas nila 'yung paa habang mabilis 'yung takbo. Kaya bumangga sila. Hindi lang 'yung dalawang motorcycle ang involved, mayroon pang six other victims 'yun ang nabangga nung dalawang motorcycle," sabi ni PLt.Col. Norman Cas-oy, hepe ng Tanay police.
Karaniwan na tambayan ng mga motorcycle rider ang kahabaan ng Marilaque Highway. Dito rin umano madalas ginagawa ng mga rider ang iba't ibang exhibition para magpakitang-gilas.
"Maraming tao, kasi weekend, maraming tumatambay. Nandodoon 'yung vloggers, nagte-take videos, pictures. Kaya nagkakaroon ng ganon incident kasi gusto nilang magpasikat," sabi pa ni Cas-oy.
Agad isinugod sa ospital ang mga biktima. Idineklarang dead on arrival ang 28-anyos na rider habang nagtamo ng mga injury sa iba't ibang bahagi ng katawan ang iba pang mga biktima. Nakalabas din sa ospital ang mga sugatan nitong gabi ng Linggo.
Ayon pa sa pulisya, inako ng 26-anyos na lalaki ang pagpapalibing sa nasawi at gastusin sa pagpapagamot ng iba pang sugatan.
Nagkaroon na rin ng pagpupulong ang lokal na pamahalaan ng Tanay, Rizal kasama ang pulisya at Land Transportation office para paigtingin ang police visibility na magbabantay sa mga lugar na madalas pagtambayan ng mga rider, tulad sa "demon's corner" sa Marilaque Highway.
"Nandodoon din actually 'yung mga signages. Sana kapag dumaan sa Marilaque Highway ay mag-ingat, mag-slow down. Maraming portion doon na may steep curve, may pataas, may pababa. Mas lalo 'yung mga tourist or travelers passing through Marilaque," sabi ni Cas-oy.

IBA PANG ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT