Sunog sa warehouse sa San Pedro, Laguna, hindi pa rin naaapula | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sunog sa warehouse sa San Pedro, Laguna, hindi pa rin naaapula

MAYNILA -- Hirap pa rin ang mga bumbero na maapula ang sunog na nagsimula pa noong Biyernes ng gabi sa hilera ng mga warehouse sa loob ng Kengian Complex sa Barangay San Antonio, San Pedro City, Laguna.

Hanggang nitong Linggo, 11 ng umaga ay nasa 35 oras nang nasusunog ang 13 warehouse kung saan ay 77 fire trucks na mula sa Laguna, Cavite at Metro Manila ang rumesponde.

Pero nilinaw ni BFP San Pedro City Fire Marshall, FCINSP Fernando Castillo na kontrolado na ang sunog at hindi na ito kakalat pa. Paliwanag ni Castillo, natatagalan silang maapula ang apoy dahil kinukulang na rin sila sa sulay ng tubig .

“Yung flow ng tubig dirediretso naman pero sa kahabaan ng operations kinukulang kami ng suplay dahil ang tubig dito sa San Pedro sa upper place medyo mahina ang daloy o source ng tubig” sabi ni Castillo.

Dagdag pa ni Castillo, nakatutok na lamang ngayon ang kailang operasyon sa warehouse number 6 kung maraming kahoy na nakaimbak kaya nahihrapan sila na maapula ang apoy.

“Kaya kami nahihirapan ito ay naka-pile, ga-bundok , pagnabombahan ng tubig namamatay naman yun apoy pero after a few minutes sisiklab na naman, mag-iignite na naman” sabi pa ni Castillo.

Ginamitan na din ng mga bumbero ng foam chemical ang dulong warehouse kung saan nasa higit 200 drum ng motor oil ang nakaimbak na bagong deliver pa lamang umano.

Hindi pa matukoy ang pinagmulan ng apoy pero nakatutok ang imbestigasyon ng BFP San Pedro sa warehouse number 10 at warehouse number 11.

Nilinaw din ni Castillo na hindi warehouse ng Lazada ang nasunog taliwas sa una nilang naireport.
Nilinaw din ni Castillo na hindi warehouse ng Lazada ang nasunog taliwas sa una nilang naireport.
ADVERTISEMENT
"Yung warehouse number 10 na pagmamay ari ng Geniso company ang mga naka-stock dito ay mga amplifier at iba pang electronics device, warehouse 11 yun wamrus company ang naka-stock naman dito ay mga stuffed toys and assorted tumblers," ani Castillo.

"'Yung una naireport sa amin, akala nila ang pangalan nito ay Lazada since galing din sila sa online business,” paliwanag ni Castillo.

Ayon kay Castillo, legal naman ang pag-iimbak ng mga drum ng motor oil sa isa sa mga warehouse at wala silang nakikitang paglabag nito sa fire safety code.

“Kumpleto naman mga papel nila o documents nila regarding sa kanilang business," aniya. "Mayroon naman kami inspection report, mga warehouse at establishments yearly iniispection yan before issuance of permit, business permit.”

Sa ngayon, nananatiling nakataas ang 4th alarm sa sunog at hindi pa masabi kung kalian ito maapula.
Sa ngayon, nananatiling nakataas ang 4th alarm sa sunog at hindi pa masabi kung kalian ito maapula.
ADVERTISEMENT
Umaabot sa P500M ang halaga ng pinsala ng sunog.