Pamamaril sa may-ari ng salon sa Gensan, sapul sa CCTV | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pamamaril sa may-ari ng salon sa Gensan, sapul sa CCTV

ABS-CBN News,
Chat Ansagay
Published Jan 16, 2025 05:58 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sapul sa CCTV footage ang pamamaril sa may-ari ng isang salon sa General Santos mag-aalas-7 nitong Miyerkoles ng gabi.

Ang salon ay wala pang 500 metro ang distansya mula sa pinakamalapit na istasyon ng pulis.

Sa video, sa oras na 6:54pm, makikitang may pumasok sa salon na naka sombrero at nakatakip ang mukha. Nakaupo lang ang mga nasa loob ng salon --
Hanggang sa nagtakbuhan ang mga ito nang makitang may baril ang suspek.
Sa video, sa oras na 6:54pm, makikitang may pumasok sa salon na naka sombrero at nakatakip ang mukha. Nakaupo lang ang mga nasa loob ng salon -- Hanggang sa nagtakbuhan ang mga ito nang makitang may baril ang suspek.
Hindi pumutok ang baril, kaya lumabas ang gunman. Pero, bumalik ito saka sunod-sunod nang nagpapaputok sa loob ng salon.

ADVERTISEMENT
Sa ikalawang pagkakataon, muling lumabas ang salarin, saka bumalik sa loob, at ipinagpatuloy ang pamamaril. Lumabas ang gunman ng 6:55pm.

Base sa report ng Police Station 1 ng Gensan City Police Office, naitakbo pa sa ospital ang negosyanteng biktima na isang LGBT, pero binawian din ng buhay pasado alas otso ng gabi.

Ayon kay PCapt. Cyrus Vince Arro, Police Station-1 Commander ng Gensan City Police Office, kinilala ang biktimang si Renante Tampus, 35 anyos, residente ng Purok Suiza, Kitanglad Street, Barangay Fatima ng nasabing lungsod.

Dagdag ni Arro tukoy na nila ang mga salarin. sa krimen. Ang bumaril, at kasabwat na nagsilbing lookout at driver ng getaway motorcycle.

Base sa kanilang nakalap na impormasyon mula sa witness, parehong personal at may kinalaman sa negosyo ang motibo ng pamamaslang.

Nangyari ang krimen sa kabila ng pagpapatupad ng election gun ban ngayon.