Mga kaanak ng mga biktima sa aksidente sa Calumpit nanawagan ng tulong | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga kaanak ng mga biktima sa aksidente sa Calumpit nanawagan ng tulong

Christopher Sitson,
ABS-CBN News
Published Jan 15, 2025 10:41 AM PHT
|
Updated Jan 15, 2025 05:18 PM PHT

CALUMPIT — Nanawagan ng tulong ngayong Miyerkules ang mga kaanak ng mga biktima sa nangyaring road crash ng tricycle at modern jeep sa Calumpit, Bulacan nitong Martes kung saan dalawa ang patay at nasa 20 ang sugatan.

"Sana makahingi po kami ng tulong, agaran po, para mailipat po sa ibang ospital 'yung lolo ko kasi kritikal po siya ngayon. Ang sinasabi po niya sobrang sakit na po ng nararamdaman niya," sabi ni Lovely Esguerra, apo ng sugatang 74-anyos na lalaki na nasa kritikal na kondisyon.

Si Esguerra ay pamangkin rin ng nasawing 27-anyos na babae.

"Wala pong neurologist dito kaya kailangan namin siyang i-transfer sa other hospital na malapit po dito. Kailangan namin magbigay ng P200,000 para ma-confine siya (74-anyos na lalaking biktima) sa ibang ospital," sabi ni Esguerra.

ADVERTISEMENT
Parehong sakay ng tricycle ang dalawang biktima na galing sa ospital matapos magpa-check up. Inarkila lang umano ang tricycle para magsilbing service.

Patay rin ang driver ng tricycle habang nagtamo ng minor injury ang nakasakay sa likod ng nasawing tricycle driver.

Naglabas ng sama ng loob si Esguerra sa kumpanya ng modern jeep na wala pa umanong ipinaaabot na tulong.

"Dapat nga hindi kami 'yung makikipag-usap, dapat sila 'yung nandito, nag-aasikaso sa lahat. Kahit 'yung punenarya nang namatay na tita ko, hindi nila inasikaso 'yun. Lahat po ng gamot na binibili dito ay sinasagot naming lahat," sabi ni Esguerra.

Nakaburol na sa bahay ng kanilang kaanak ang labi ng nasawing 27-anyos na babae. Naulila niya ang tatlong anak kabilang ang siyam na buwang sanggol.

"Maawa naman po sila sa mga anak niya, tatlo po 'yung naiwanan niya. Tsaka 'yung asawa ko rin kailangan ng tulong kailangan pong maoperahan siya," sabi ni Belinda Esguerra, nanay at asawa ng mga biktima.

"Napakalungkot, nawalan na naman ako ng isang anak. Kawawa naman po ang mga apo ko. Hindi ko po alam paano sila mabubuhay. Wala naman po kaming kakayanan," sabi ni Belinda Esguerra.

Nakalabas na sa Bulacan Medical Center ang ilan sa mga sugatang biktima na karamihan ay mga estudyante.

'DRIVER NG JEEP MABILIS ANG PATAKBO'
Samantala, napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon na mabilis ang pagpapatakbo ng driver ng modern jeep.

"Ayon sa salaysay ng ating driver ng modern jeep, nawalan ng brake 'yung kaniyang minamaneho. Medyo mabilis din 'yung takbo niya. Kaya nahirapan niyang i-control. Kinabig niya ito sa kaliwa, may nahagip po siyang traysikel tapos tumilapon sa bangin," sabi ni PLtCol. Jonathan Meru, acting chief of police ng Calumpit Municipal Police Station.

Hinikayat naman niya ang iba pang testigo sa insidente na magpunta sa Calumpit Municipal Police Station para makatulong sa isasampang kaso laban sa driver ng modern jeep.

Muli namang paalala PNP sa mga motorista, magdoble-ingat sa pagmamaneho.

"Dapat bago tayo humawak ng maninbela dapat alam natin 'yung safety, 'yung BLOWBAGS dapat saulado natin 'yun by heart. 'Yung pinakahuli doon 'yung self, kondisyon ba ang katawan natin para magmaneho," sabi ni Meru.

Hawak na ng Calumpit Municipal Police Station ang driver na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injury, and damage to property.