Kasal hindi natinag ng baha sa Sorsogon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kasal hindi natinag ng baha sa Sorsogon
Kasal hindi natinag ng baha sa Sorsogon
Jonathan Magistrado,
ABS-CBN News
Published Jan 10, 2025 12:59 PM PHT

Binaha ang Bgy. Cabiguan sa bayan ng Pilar, Sorsogon, pero nakamit pa rin ng mag-asawang Mark Anthony Romualdo at Jocelyn Mapusao ang pangarap na makasal nitong Enero 9, 2025 sa kabila ng masungit na panahon na dulot ng Shear line.

Apaw ang bisita kahit abot-binti ang baha sa reception area sa likod-bahay. Nakapag-lechon pa ilang oras bago tumaas ang lebel ng tubig sa lugar.

Sa kanilang unang pagkain bilang mag-asawa, sinaluhan sila ng mga abay, ninong at ninang habang suot pa ang mga barong at gown sa gitna ng baha.

Naging swimming pool naman ng mga bata ang binahang palayan habang isinagawa ang ‘Pantomina’ o wedding dance sa mas mataas na bahagi ng bakuran.