Marawi City Vice Mayor inaresto ng NBI dahil sa 2013 murder case | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Marawi City Vice Mayor inaresto ng NBI dahil sa 2013 murder case

MAYNILA — Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Vice Mayor ng Marawi City noong Lunes dahil sa kasong murder na isinampa sa kanya noon pang 2013.

Inilabas ng Caloocan RTC ang warrant of arrest laban kay Vice Mayor Annouar Abdulrauf dahil sa kaso ng pagpatay sa operatiba ng NBI noong 2013.

Pinaligiran ng mga kawani ng NBI at Philippine Army ang Marawi City Hall matapos ang flag raising ceremony para damputin si Abdulrauf pero humarang ang kanyang mga taga-suporta.

Nauwi ito sa girian ng dalawang panig hanggang sa tuluyang maipasok sa sasakyan ang Vice Mayor.
Nauwi ito sa girian ng dalawang panig hanggang sa tuluyang maipasok sa sasakyan ang Vice Mayor.
ADVERTISEMENT
“Nagkaroon ng tension dahil may supporters siya... Wala namang nasaktan sa parehong panig, dinala dito si Vice Mayor," sabi ni NBI director Jaime Santiago.

Ayon sa NBI, nakapagtago ang suspek matapos niya magpalit ng pangalan.

Tumakbo at nanalo rin siyang Vice Mayor at umabot pa sa ikalawang termino.

“Hindi kami natulog, 2013 pa ito. We still kept track. Napatunayan namin sa tulong ng ating witness na siya ay nagpalit ng pangalan," dagdag ni Santiago.

Ayon sa testigong nakipagbarilan sa suspek noong 2013, sigurado siyang si Vice Mayor ang nakapatay sa kanyang ka-baro.

“Kitang kita ko siya eh. Binabanatan niya kami. Pinapatukan kami. Kilala ko siy... Mabuti at mabibigyan ng katarungan, may nabaldado at napatay," sabi ng testigong si alyas "Bobby."

Ipipresenta sa korte ang suspek at makukulong habang ipagpapatuloy ang paglilitis sa kanyang kaso.

KAUGNAY NA ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT