Higit 400 boga kinumpiska sa Rizal bago mag-2025 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit 400 boga kinumpiska sa Rizal bago mag-2025

Mahigit 400 nakumpiskang ipinagbabawal na boga o improvised cannon ang pinagsisira ng pulisya sa Rizal, ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Rizal provincial police chief PCol. Felipe Maraggun, nagmula sa iba't ibang barangay sa lalawigan ang mga ilegal na boga.

"Ito 'yung operation ng ating kapulisan sa bawat station sa buong Rizal," sabi ni Maraggun.

Madali aniyang i-do it yourself o i-DIY ang boga na gawa sa mga materyales na makikita lamang sa tabi-tabi.
Madali aniyang i-do it yourself o i-DIY ang boga na gawa sa mga materyales na makikita lamang sa tabi-tabi.
ADVERTISEMENT
"Ito kasing materials galing lang sa mga backyard, mga recyclable material," sabi ni Maraggun.

Mapaminsala aniya ang paputok na ito na posibleng makasira ng mata at pandinig.

"Ang boga ay delikado 'yan lalo na 'yung gumagamit satin mga bata pwede itong makabulag kasi malakas itong buga niya. 'Yung pagkasunog ng balat, pagkabingi," ayon kay Maraggun.

Hinaing ng ilang residente, nakakairita ang tunog ng boga lalo na sa mga malapit sa kalsada kung saan karaniwang nagpapaputok ang mga nahuli.

"Maingay, masakit sa tenga, nakakabingi. Sinasaway ko sabi ko ang ingay kukumpiskahin 'yan ng barangay, nagsitakbuhan. Lalo na kung sabayan ng ingay ng mga sasakyan lalong masakit sa tenga," kwento ni Nenita Carbo, isang balut vendor.

"'Yung iba po malakas, 'yung iba po mahina depende po sa gawa," sabi ni John Bryan Aton.

"Pag maliit lang sakto lang sa tenga pero pag malaki po talaga nakakabulahaw po. Kung minsan nakakagulat," ayon naman kay Cyrus Bantal.

"Nakakaperwisyo po sila lalo na po marami ang nakatira sa highway," dagdag naman ni John Bryan Aton.

Ayon sa PNP, wala namang kaukulang parusang ipapataw sa mga nakuhanan ng boga pero ito'y isang panawagan sa mga magulang at nakatatanda na pagbawalan na ang mga kabataan na gumamit nito lalo na sa pagsalubong sa Bagong Taon dahil delikado.

"Ang point namin dito sa Rizal ay magkaroon ng awareness para babala at paalala na rin sa mga magulang, mga kabataan, sana wag nang i-tolerate 'yung kabataan na gumawa ng ilegal na boga," sabi ni Maraggun.