Gurong kapapasa lang sa LET patay matapos pagbabarilin | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Gurong kapapasa lang sa LET patay matapos pagbabarilin

ABS-CBN News,
Al Saludo
Published Dec 19, 2024 04:03 PM PHT

KORONADAL — Anim na araw pa lang na nagsaya ang isang guro at ang pamilya nito matapos pumasa sa Licensure Exam for Teachers ay nagluluksa naman sila sa ngayon matapos itong pinagbabaril-patay sa barangay road sa Inug-ug, Pikit, Cotabato bandang alas 3:30 ng hapon ng Miyerkules.

"Talagang trabaho niya po he is a barangay treasurer of Barangay Macabual, Tugunan SGA BARMM. iyun nga po sa ating imbestigasyon kahapon habang papauwi itong ating biktima ay pinagbabaril ng dalawang hindi kilalang suspek and nakarekober po tayo ng anim na basiyo ng bala believed to be caliber. 9mm, so iyong ating biktima po is agad dinala sa bahay pagamutan para ma save pa po siya natin siya. Unfortunately he expired immediately, he was brought by his family to his residence for burial rites," ani P/Major Arvin John Cambang, chief of police, Pikit Municipal Police Station.

Ang biktima ay guro sa isang pribadong paaralan sa Brgy. Macabual, Tugunan, SGA kung saan siya rin ang barangay treasurer.

Sa ulo tinamaan ang biktima, na sanhi ng kaniyang kamatayan.
Sa ulo tinamaan ang biktima, na sanhi ng kaniyang kamatayan.
ADVERTISEMENT
"Sa ating follow-up investigation po natin is meron na po tayong tinitingnan na posibleng motibo nito. iyong isang motibo na tinitingnan is community-engaged violence, mayroon na po tayong persons of interest and still we are gathering information and evidences para maka file na tayo ng kaso laban sa mga suspek," ani Cambang.

Naulila ng guro ang kaniyang asawa at mga anak. Kaagad itong inilibing batay sa kulturang Islam.

Estudyante rin ng nasabing paaralan ang dalawang senior high students na pinagbabaril at pinatay sa nasabing barangay ilang linggo pa lang ang nakakalipas dahil sa rido.

IBA PANG ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT