3 araw na ulan nagdala ng baha sa Quezon province | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 araw na ulan nagdala ng baha sa Quezon province

Ronilo Dagos,
ABS-CBN News
Published Dec 11, 2024 09:26 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Binabaha na ang ilang bahagi ng Quezon province partikular ang Lamon Bay area o ang 4th District ng lalawigan dahil sa mga pag-uulan dala ng umiiral na shear line.

Kabilang sa mga bayan na naapektuhan ay ang Tagkawayan, Calauag, Ginayangan, Gumaca at ang mga island municipalities ng Alabat at Quezon-Quezon na lahat ay nasa timog-silangan ng lalawigan.

Hanggang ngayon, halos tatlong araw na ang mga pagbuhos ng ulan na nararanasan sa buong probinsya.

Sa Tagkawayan, naabot na ng baha ang eskwelahan sa Barangay Kinatakutan matapos umapaw ang katabi nitong malaking ilog.

ADVERTISEMENT
Ganoon din ang Plaza Rizal Elemetary School sa bayan ng Gumaca na pinasok na rin ng tubig ang mga silid aralan.

Sa Calauag, wala na ring madaanan ang mga motorista at muntik pang maanod ng baha ang isang nagmomotorsiklo na tinangkang tumawid sa kalsadang mataas ang baha sa barangay Viñas.

Tumataas na rin ang level ng tubig sa ilang mga lugar ng Alabat, Pagbilao, at Atimonan.

Maraming bayan na rin kabilang ang Lucena City ang suspendido ang face to face classes ngayong araw.

Wala namang naiulat pa na inilikas pero patuloy ang paalala ng PDRRMO at mga LGU sa mga residente na maging alerto sa posibleng mga pagtaas pa ng tubig at flash floods at mga landslide sa mga mapanganib na lugar.

Sa pinakahuling weather advisory ng PAGASA at ng NDRRMC nitong Miyerkoles ng umaga, nakataas ang orange rainfall warning sa lalawigan ng Quezon.