ALAMIN: Mga hakbang sa pagwawasto ng mali sa birth certificate | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga hakbang sa pagwawasto ng mali sa birth certificate

ABS-CBN News Digital Intern,
Niñajane Ponpon
Published May 03, 2025 02:55 PM PHT

MAYNILA — Ang pagwawasto ng mga error sa birth certificate ay hindi na kinakailangang dumaan pa sa komplikadong proseso —ito man ay maling entry sa impormasyon ng pangalan, kasarian, o petsa ng kapanganakan.

Ayon sa website ng Philippine Statistics Authority, ang proseso ng administrative correction ay maaaring isagawa nang hindi na kinakailangang dumaan sa korte para sa judicial order.

Ito ay posible sa bisa ng Republic Act No. 9048 at RA 10172 na nagtatalaga sa City o Municipal Civil Registrar o Consul General na magwasto ng mga clerical or typographical error sa rehistro ng birth certificate

Ang pagtatama ng mga minor errors—tulad ng mga maling spelling—at pagbabago ng unang pangalan (first name) o palayaw (nickname) ay maaaring isagawa alinsunod sa mga probisyon ng RA 9048. Kaugnay nito, ang pagwawasto naman ng maling detalye sa kasarian at araw o buwan ng kapanganakan ay nakasaad sa ilalim ng RA 10172.

PETISYON SA LOCAL CIVIL REGISTRY
Ayon sa PSA, ang mga aplikante o petitioner na nais magpawasto ng detalye ay kinakailangang maghain ng “petition for administrative correction” sa Local Civil Registry Office (LCRO) kung saan nakarehistro ang kanilang birth certificate.

Maaari namang maghain ng migrant petition ang mga aplikante na hindi na nakatira sa lugar kung saan siya orihinal na nakarehistro.

Narito ang mga kinakailangang dokumento para pagwawasto ng typographical error sa ilalim ng RA 4089, ayon sa PSA:

Certified machine copy ng birth certificate (NSO at Local copy);
Dalawa o higit pang pampubliko o pribadong dokumento na na nagpapakita
ng tamang entry ng impormasyon
(baptismal certificate, voter’s affidavit, employment record, GSIS/SSS record,
school record, business record, driver’s license, insurance, land titles,
NBI/Police clearance, civil registry records of ascendants, at iba pa);
Para sa may maling impormasyon sa kasarian:
- Medical certificate mula sa accredited government physician na nagpapatunay
na ang aplikante ay hindi sumailalim sa sex change
Para sa may maling impormasyon sa kasarian at petsa ng kapanganakan:
- Affidavit of publication galling sa publisher at kopya ng newspaper clippings na nagpapatunay na naipublish ang petisyon.
Certified machine copy ng birth certificate (NSO at Local copy);
Dalawa o higit pang pampubliko o pribadong dokumento na na nagpapakita
ng tamang entry ng impormasyon
(baptismal certificate, voter’s affidavit, employment record, GSIS/SSS record,
school record, business record, driver’s license, insurance, land titles,
NBI/Police clearance, civil registry records of ascendants, at iba pa);Para sa may maling impormasyon sa kasarian:
- Medical certificate mula sa accredited government physician na nagpapatunay
na ang aplikante ay hindi sumailalim sa sex changePara sa may maling impormasyon sa kasarian at petsa ng kapanganakan:
- Affidavit of publication galling sa publisher at kopya ng newspaper clippings na nagpapatunay na naipublish ang petisyon.
Samantala, isinaad naman ng PSA na ang pagpapalit ng unang pangalan at palayaw ay maaaring i-petisyon sa kaso na ito ay katawa-tawa, may bahid ng kahihiyan, o mahirap isulat o bigkasin.
Bukod pa, maaari din maging kapalit ng pangalan ang nakagawian at patuloy na ginagamit ng nag-petisyon sa publiko upang maiwasan ang kalituhan.

Batay sa RA 9048 at RA 10172, may P1,000 processing fee sa mga ganitong uri ng clerical error, habang P3,000 naman para sa pagpapalit ng pangalan at pagwawasto sa entry ng kasarian at petsang kapanganakan.

Hindi naman bababa sa $50 ang processing fee para sa mga magpe-petisyon sa Consul General, habang P500 hanggang P1,000 naman para sa mga migrant petitioner.

Para sa karagdagang impormasyon at mas detalyadong gabay, maaaring bisitahin ang opisyal na website ng PSA.