KALYE: Kilalanin ang kontribusyon ni Mother Ignacia sa Katolisismong Pilipino | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KALYE: Kilalanin ang kontribusyon ni Mother Ignacia sa Katolisismong Pilipino

Victoria Tulad,

Patrol Ng Pilipino

Clipboard

MAYNILA — Malaking papel ang ginampanan ni Mother Ignacia sa paglaganap ng Katolisismo sa Pilipinas—ang paglinang ng karakter at misyon ng mga kababaihang Pilipino na tinawag sa banal na pamumuhay. 
MAYNILA — Malaking papel ang ginampanan ni Mother Ignacia sa paglaganap ng Katolisismo sa Pilipinas—ang paglinang ng karakter at misyon ng mga kababaihang Pilipino na tinawag sa banal na pamumuhay. 

Ipinanganak sa isang amang Tsino at Pilipinang ina sa Binondo sa Manila, nakaranas ng diskriminasyon si Mother Ignacia nang subukang sumali sa mga kongregasyong pinatatakbo ng mga madreng Kastila. 

Pero dahil sa paninindigang manatiling tapat sa kanyang bokasyon, itinatag niya ang Congregation of the Sisters of the Religious Virgin Mary (RVM), ang kauna-unahang kongregasyon ng mga madre na mula sa Pilipinas.

Sa patuloy na pagganap ng tungkulin at paglaganap ng RVM sa makabagong panahon, nariyan pa rin ang mga turo at inspirasyon ni Mother Ignacia. 

– Ulat ni Victoria Tulad, Patrol ng Pilipino

Produced by: Jewel Talaver & Mary Jennycis Tinio

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.