Family business? Magkakamag-anak umanong holdaper arestado sa Quezon City

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Family business? Magkakamag-anak umanong holdaper arestado sa Quezon City

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Inaresto ng pulisya ang 3 magpipinsan at babaeng live-in partner ng isa sa kanila na pawang mga suspek sa panghoholdap sa isang junkshop sa Barangay Bahay Toro, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD), 12:40 ng madaling araw noong Biyernes, Hunyo 6, 2025, pinasok ng mga armadong suspek ang junkshop sa Congressional Avenue. 

Tinutukan umano nila ng baril ang may-ari nito at tinangay ang kita nito na nagkakahalaga ng P30,000. Kinuha din ng mga suspek ang 4 na cellphone ng tatlong biktima. 

Matapos ang krimen, agad tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

ADVERTISEMENT

Agad naman bumuo ng Special Investigation Team ang QCPD at mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), District Investigation Division (DID), at Project 6 Police Station 15 na inatasang magsagawa ng masusing imbestigasyon, makipag-ugnayan sa mga kaukulang ahensya, at mangalap ng CCTV footage upang matukoy ang mga suspek.

Sa backtracking ng mga CCTV footage, natunton at naaresto ang mga suspek sa Bagong Barrio, Caloocan City noong Sabado. 

Kinilala ni PMaj Allan Rainier Cabral, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang mga suspek na sina alyas “Mark Anthony”, 32 taong gulang, residente ng Rodriguez, Rizal; “Mark Acevin”, 24 taong gulang; “Mark Eugene”, 25 taong gulang; at “Renquel”, 24 taong gulang, pawang mga residente ng Caloocan City.

Nakumpiska mula kay “Mark Anthony” ang isang .38 revolver at mga bala, isang replika ng baril mula kay “Mark Eugene”; at isang improvised na sumpak mula kay “Mark Acevin.” Nakumpiska rin ang motor na ginamit na getaway vehicle.  

Lumalabas naman sa Investigation Solution Automatic Verification (ISAV) na sangkot sa mga insidente ng robbery sa Quezon City at San Mateo, Rizal si Mark Anthony. May nakabinbin din siyang warrant of arrest sa kasong robbery sa Quezon City at kaso ng carnapping na walang inirerekomendang piyansa sa San Mateo, Rizal.

ADVERTISEMENT

Si Mark Acevin ay dati nang nasangkot sa ilegal na droga sa Caloocan City at may dati nang kaso ng Resistance and Disobedience to Agent of Person in Authority or the Agents of Such Person.

Sa imbestigasyon din ng QCPD, lumalabas na ang mga naarestong suspek ay nasangkot na rin sa sunod-sunod na kaso ng robbery hold-up at carnapping sa Quezon City, Caloocan, at mga siyudad sa Calabarzon. 

Sinampahan na ng kasong robbery, paglabag sa Motorcycle Crime Prevention Act, paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at paglabag sa Omnibus Election Code ang mga suspek.

Nasa kustodiya na ng CIDU sa Camp Karingal ang mga naarestong suspek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.