Lalaking ginahasa umano ang sariling anak, arestado sa Caloocan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking ginahasa umano ang sariling anak, arestado sa Caloocan
MAYNILA -- Arestado ng mga awtoridad sa Caloocan City ang isang lalaki dahil umano sa panggahasa ng sariling anak.

Kabilang sa listahan ng Most Wanted Persons ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lalaki.

Ayon kay P/Lt. Col. Alain Licdan, hepe ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD), naaresto ang suspek sa isang eskinita sa Barangay 178 matapos ang ilang buwang pagmamanman.

“Nalaman lang ito one time nahuli ng mga teacher ’yung bata nakikipagtalik sa kapwa niya batang babae. So, pinatawag ’yung mother kung bakit na ganoon. So, ayun, ah, naglahad siya sa kanyang nanay kung ano ’yung mga nangyari. So, dati na siyang inabuso pala ng mga kanyang relative, mga tito at saka mismong papa niya,” sabi ni Licdan.

ADVERTISEMENT
Lumabas sa imbestigasyon na hindi lamang ang ama ang nang-abuso sa bata kundi pati ang ilan nitong tiyuhin. Sa takot umano na saktan ng ama at mga tiyuhin, hindi agad nakapagsumbong ang biktima.

“Nangyayari ito tuwing pumupunta sila sa bahay ng kanyang lola dito sa may Caloocan. Na nanay ng kanyang mother. So doon kapag hinihiram siya ng kanyang lola tuwing namamamalengke yung kanyang tita, yun kasi yung nagbabantay sa bata. Naiiwan yung mga tito at saka yung papa. So may mga occasion na ginalaw siya ng papa una, tapos ginalaw din siya ng kanyang mga tito,” dagdag ni Licdan.

Sa kabuuan, tatlong kamag-anak ang inakusahan ng pang-aabuso. Nauna nang naaresto ang isa sa mga tiyuhin ng biktima—kapatid ng ina—na kasalukuyang naka-kulong habang dinidinig ang kaso. Ang ikatlong suspek, kapatid ng ama ng biktima, ay dati nang naaresto ngunit pansamantalang nakalaya matapos makapagpiyansa.

“So unang nahuli ’yung kanyang tito, ’yung kapatid ng kanyang mother, nahuli na una. So ito namang father niya, ito ’yung nahuli natin kung makailan lang… Ah pangatlong tito din, kapatid ng kanyang papa, na nahuli din dati at nakapag-bail,” ani Licdan.

Naaresto ang ama ng biktima sa tulong ng isang impormante. Nabatid na nagtago ito sa Maynila at palipat-lipat ng trabaho upang makaiwas sa mga awtoridad. Umuuwi lamang umano ito isang beses sa isang buwan sa bahay ng kanyang ina sa Caloocan.

Todo tanggi naman ang suspek sa mga paratang. Aniya, “Hindi po totoo ’yun, wala po akong…”

Mahaharap ang suspek sa kasong rape, acts of lasciviousness, at sexual abuse. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng NPD-DSOU sa Caloocan.