FACT CHECK: Hindi pa makakauwi ng Pilipinas si Rodrigo Duterte mula ICC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: Hindi pa makakauwi ng Pilipinas si Rodrigo Duterte mula ICC
Kevin Luis Fernandez,
ABS-CBN Research and Verification Unit
Published Jun 03, 2025 05:40 PM PHT

Hindi totoong makauuwi na sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakakulong sa detention center ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands dahil sa kinakaharap niyang kaso na crimes against humanity of murder.

Makikita sa isang post online ang isang art card na nilapatan ng logo ng programa ng ABS-CBN News na TV Patrol. Sa ibabang bahagi ng larawan ay mababasa ang tekstong, “Dating Pangulong Rodrigo Duterte makakauwi na ng bansa matapos ang ilang buwang pagkakakulong.”

Nakalakip sa post ang isang link na diumano’y nilalaman ang buong ulat. Kung bubuksan ito, mapupunta ang user sa isang online shopping website.

Nakatakda sa Setyembre 23, 2025 ang susunod na hearing ni Duterte, kung saan kukumpirmahin ng ICC ang mga kasong nakabinbin laban sa kanya. Unang humarap si Duterte sa Pre-Trial Chamber 1 ng ICC noong Marso 14, 2025 kung saan kinumpirma ang kanyang pagkakakilanlan.

Halos tatlong buwan nang nakakulong si Duterte sa The Hague pagkatapos maaresto noong Marso 11, 2025 sa bisa ng arrest warrant ng pandaigdigang hukom.

Dati nang napabulaanan ng ABS-CBN Fact Check ang kaparehong maling impormasyon.

Hindi ito ang unang beses na na-fact check ang mga maling impormasyon tungkol sa pagkakakulong ni Duterte sa ICC.

Hindi rin ito ang unang beses na ginamit ang ABS-CBN News upang magpakalat ng maling impormasyon online.

Kung kayo’y may alam na kahina-hinalang social media page, group, account, o website, artikulo, larawan, o impormasyong ipinapakalat sa mga messaging app, maaaring makipag-ugnayan sa aming email factcheck@abs-cbn.com o X account @abscbnfactcheck.
Read More:
Rodrigo Duterte
International Criminal Court
ICC
detention
TV Patrol
misinformation
disinformation
fact check
ABS-CBN Research and Verification Unit
ABSnews
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT