CCTV: Lalaki, tinangay ang motor ng kapitbahay sa QC, arestado sa Bulacan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
CCTV: Lalaki, tinangay ang motor ng kapitbahay sa QC, arestado sa Bulacan

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sapul sa CCTV ang pagtangay ng 32-anyos na lalaki sa nakaparadang motorsiklo sa Barangay Escopa III, Project 4, Quezon City, pasado alas kwatro ng madaling araw ng Huwebes, ika-12 ng Hunyo, 2025.
"Madaling araw mayroong isang tao na kumuha ng kanyang motor at pagkatapos ay dahan-dahan itong hinatak, tinulak, hanggang sa makalayo," sabi ni Police Lieutenant Colonel Angelito De Juan, Project 4 Police Station Commander.
Pasado alas dies ng umaga noong kaparehong araw ay napansin ng biktima na wala na ang motor sa harap ng kanyang bahay.
"Nagising nga itong may-ari ng motor, tinitingnan niya 'yung motor niya, nawawala na ito. Agad naman niya itong sinumbong sa barangay at inireport," sabi ni PLtCol. De Juan.
Biyernes ng hapon, isang araw matapos ang insidente, nagkasa ng follow-up operation ang pulisya at naaktuhan ang suspek sa isang gasolinahan sa San Jose Del Monte, Bulacan.
"Ang malaking naging tulong po sa amin 'yung CCTV ng barangay. Nung ma-verify sa CCTV 'yung itsura nung tao na kumuha ng motor, agad-agad na verify natin na 'yung suspek tiga-roon din dati sa lugar," sabi ni PLtCol. De Juan.
Napag-alaman din na dati nang nakulong ang suspek dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.
Paliwanag niya, "ginamit ko lang po para service pauwi sa amin. Tumawag po 'yung may-ari ng motor na isoli. Tumawag sa ate ko kasi kapitbahay ko lang 'yung may-ari nun. Isosoli ko naman po dapat," sabi ng suspek.
Narekober sa suspek ang ninakaw na motor na tinanggalan na ng plate number at flarings para hindi makilala.
Nakakulong na sa Project 4 Police Station custodial facility ang lalaki na nahaharap sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Law.