Empleyado ng fast food chain patay matapos pagsasaksakin sa QC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Empleyado ng fast food chain patay matapos pagsasaksakin sa QC

Empleyado ng fast food chain patay matapos pagsasaksakin sa QC

Kaxandra Salonga,

ABS-CBN News

Clipboard

Empleyado ng fast food chain patay matapos pagsasaksakin sa QC
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nasawi ang isang 25-anyos na babaeng empleyado ng isang food store matapos pagsasaksakin ng kanyang dating katrabaho sa kusina ng pinagtatrabahuhang food store na nasa ikalawang palapag ng mall sa  Tandang Sora Avenue, Barangay Sangandaan Quezon City noong ika-3 ng Mayo, pasado alas nuwebe ng gabi.

Sa kuha ng CCTV, kinaladkad ng lalaking nakasumbrero ang nagpupumiglas na biktima papasok sa kusina. Kinuha ng suspek ang isang bag at mabilis na isinuksok ito. Makikita rin na may hawak siyang patalim at walang habas na pinagsasaksak ang biktima.

Dumampot pa siya ng mas mahabang kutsilyo mula sa kusina at pinagtataga ang biktima, na nakipagbuno at nakipag-agawan ng kutsilyo.

Maya-maya, tumakbo ang lalaki palabas. Bagamat duguan, nagawang tumayo ng biktima at tinangkang sundan ang suspek habang hawak ang kutsilyo. Bumalik ang lalaki at muling nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng dalawa hanggang sa inipit ng hita ng suspek ang biktima.

Ayon kay Jarwin Jarapa, executive officer ng Barangay Sangandaan, agad niyang inatasan ang kanilang desk officer na puntahan ang food store matapos makatanggap ang report na may nakitang nakahandusay na katawan ng babae sa loob ng tindahan. 

Inakala ng nag-report na nagpakamatay ang babae.

“Hinanap nila 'yung nakakakita diumano nung nagpakamatay at nakita nila may duguan, agad kami nagpatawag ng PNP doon sa pinangyarihan ng krimen…. after po noon, pinakordonan ko 'yung area at pina-hold ko po yung nakakita."

Ayon sa PNP, nakumpirma ng store manager ang pagkakakilanlan ng suspek batay sa kuha ng CCTV at sa naiwan niyang ID.

“Nangyari lang noong 3 weeks ago, kinompronta nitong biktima itong suspek patungkol dito sa discrepancy ng kanilang inventory report. Dahil po doon ay nagkaroon sila ng alitan at ito pong suspek ay natanggal dito sa trabaho,” pahayag ni PCapt. Febie Madrid, Spokesperson ng Quezon City Police District.

Napag-alamang nagtungo pa sa kanyang bagong pinapasukang trabaho ang suspek dakong alas-10 ng gabi, isang oras matapos ang krimen.

“May nakuha kasing witness itong investigator natin na doon sa pinapasukang trabaho ngayon nitong suspect, ay nakita siya ng kanyang katrabaho na merong kalmot sa mukha noong araw na iyon,” sabi ni PCapt. Madrid.

Dagdag niya, walang nawawalang gamit sa biktima o sa food store, kaya't posibleng paghihiganti ang motibo sa krimen.

“Malaking factor na alam niya yung kung ano ang work schedule... kaya sinadya ng suspect na puntahan ang biktima sa ganong oras dahil alam niya na closing time itong biktima at walang ibang tao doon sa sstore,” sabi ni PCapt. Madrid.

Patuloy pang pinaghahanap ng PNP ang 22 -anyos na suspek habang dinala na sa Quezon Province ang labi ng biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.