Residential area sa Las Piñas City, nilamon ng apoy | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Residential area sa Las Piñas City, nilamon ng apoy

Residential area sa Las Piñas City, nilamon ng apoy

Bea Cuadra,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Nilamon ng apoy ang isang residential area sa Manuyo Uno, Las Piñas City pasado alas-4 ng madaling-araw nitong Martes, May 6.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog ng 4:58 a.m. at idineklarang fire under control ng 5:54 a.m.



Ayon sa isang nasunugan na si Rodolfo Torente, wala silang naisalbang gamit. Kwento niya, sa bahay umano ng kanyang pinsan nagsimula ang sunog.

“Nanggaling po yun sa bahay ng pinsan ko... Eh ano yun lumang bahay,” sabi ni Torente.

ADVERTISEMENT

Sinubukan pa niyang magsalba ng gamit pero tinawag na siya ng kanyang anak sa pangangambang hindi sila makalabas dahil sa pagkalat ng apoy.

“Inano na ako ng anak ko... kasi wala kaming tatakbuhan eh, lisang eskinita lang,” dagdag pa niya.

Kwento naman ni Melodina Bautista, ginising lang siya ng kanyang anak dahil sa sunog. Wala rin silang naisalbang gamit.

“Pagbaba ko, nabagsakan po ako ng parang tela— mainit,” kwento ni Bautista na nagtamo ng paso sa kanyang ulo.

Naapula na ang sunog ng 7:33 a.m.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.